41st World Chess Olympiad laglag ang mga Pinoy
MANILA, Philippines - Nagsulong ng panalo si Grand Master Eugene Torre, habang pumuwersa ng draw si GM John Paul Gomez para sa 2-2 draw ng Pilipinas sa Canada na naglaglag sa kanila sa pakikisalo sa 35th place sa pagtatapos ng 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway.
Ginamit ng 62-anyos na si Torre ang kanyang Torre Attack para talunin si International Master Leonid Gerzhoy sa 48 moves sa Board 3.
Nagtala naman si Gomez ng 82-move draw sa kanilang Ruy Lopez game sa second board.
Nakipaghati rin ng puntos si GM Julio Catalino Sadorra kay GM Anton Kovalyov sa 38 moves ng Nimizo-Indian Defense sa top board, habang nalasap ni GM Jayson Gonzales ang kanyang unang kabiguan matapos ang 42-move kay GM Bator Sambuev sa isang Queen’s Pawn game.
Matapos ang 11 rounds at nakuwenta na ang lahat ng tiebreak scores, tumapos ang mga Pinoy sa 46th spot, isa sa pinakamasamang kampanya ng bansa sa nasabing biennial meet.
Nahulog naman sa No. 64 ang women’s team sa kanilang 11 points matapos mabigo sa Belgium, 1-3.
Yumukod sina Chardine Cheradee Camacho, Janelle Mae Frayna at Jan Jodilyn Fronda kina Hanne Goossens, Iuliaa Morozova at Wiebke Barbier, ayon sa pagkakasunod.
- Latest