^

PM Sports

Batang Gilas gustong palakasin ni MVP

Pang-masa

DUBAI --  Plano ng MVP Sports Foundation ni sports patron Manny V. Pangilinan na palakasin ang Batang Gilas para sa mga susunod na FIBA U17 World Championship.

Sinabi ni MVP Sports Foundation president Al Panlilio na kukuha sila ng mga malalaki at mahuhusay na players na maaa-ring makipaglaban sa mga pinakamahuhusay na under-17 players sa mundo.

Sinabi ni Panlilio, ang anak ay miyembro ng Batang Gilas sa nasabing 16-nation tournament, na ang mga Filipino ay may talento para manalo ngunit ang kakulangan nila sa malalaking players ang sinamantala ng ibang koponan.

Sinimulan ng Batang Gilas ang torneo mula sa 10-point loss sa Angola kasunod ang 20-point setback sa Greece at 60-point pagkatalo sa nagdedepensang United States.

Sa Round-of-16 ay nilamangan sila ng France ng 29 points na naghulog sa kanila sa classification round kung saan ang kanilang pinakamataas na makukuha ay pang-siyam na puwesto.

Nakatakdang labanan ng Batang Gilas ang South American powerhouse Argentina kagabi sa Al Shabab Arena.

Maglalaro ang Batang Gilas na wala si leading scorer Jolo Mendoza, nagkaroon ng pulled right hamstring injury sa third period ng kanilang kabiguan sa France.

Kung mananalo ang mga Pinoy ay lalabanan nila ang mananalo sa pagitan ng Greece at Egypt para sa ninth place.

Ang kabiguan naman ang maghuhulog sa kanila sa ika-13 hanggang ika-16 puwesto.

Nakuntento si Pangi-linan sa ipinakita ng Batang Gilas sa torneo.

“MVP (Pangilinan) was proud despite the disadvantage in height,” sabi ni Panlilio. “He sees that the boys are battling.”

 

AL PANLILIO

AL SHABAB ARENA

BATANG GILAS

JOLO MENDOZA

MANNY V

PANGILINAN

PANLILIO

SA ROUND

SINABI

SPORTS FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with