Pascual nagpalista sa PBA draft
MANILA, Philippines - Nagpalista si NLEX do-it-all forward Ronald Pascual para sa PBA Rookie Draft kahapon, isang magandang deve-lopment para sa Rain or Shine na naghahanap ng isang forward player.
Personal na nagsumite ng application si Pascual, kasama ang kakamping si Dexter Maiquez sa PBA Commissioner’s Office sa Libis, Quezon City na nagpalalim ng draft pool.
“I’ll be the only one to be left behind (sa Gilas cadet pool), so I decided to join the draft,” sabi ni Pascual.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang application ang NLEX teammates at fellow Gilas cadet players ni Pascual na sina Kevin Alas, Garvo Lanete at Matt Ganuelas na inaasahang hahabol sa 5 p.m. deadline kahapon para sa draft application.
Ang isa pang NLEX stalwart na si Garvo Lanete ay nagdesisyong hindi muna magpapa-draft dahil nais muna niyang hasain ang kanyang skills.
Si Jake Pascual ang unang NLEX at Gilas cadet player na nag-apply para sa draft, para magkaroon ng isang quality big man sa draft day na nakatakda sa Aug. 24 na gaganapin sa Robinson’s Place, Manila.
Dahil walang dominanteng bigman, makokontento si Rain or Shine coach Yeng Guiao sa pagkuha ng shooting forward para sa kanilang hawak na No. 2 pick.
Binanggit ni Guiao na puwedeng mapunan ni Ronald Pascual ang kanilang pangangaila-ngan sa naturang posisyon.
“Kung walang big man, pwede na yan,” sabi ni Guiao ukol kay Pascual. “Anything that will deepen the rookie pool is good for us. Ronald will be seriously considered in our deliberations with the owners and the coaching staff,” sabi pa ni Guiao.
- Latest