^

PM Sports

Phl squad pasok sa Finals 2014 World Pool team championship

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinurog ng Pilipinas ang isa sa dalawang koponan ng China kahapon para pumasok sa final round sa 2014 World Pool Team Championship na ginagawa sa Tongzhou Luhe High School sa Beijing, China.

Tinalo ni Dennis Orcollo si Wu Jiaqing, 6-3, sa men’s 8-ball singles, sina Carlo Biado at Lee Van Corteza ay nagwagi kina Chu Bing Chia at Li He Wen, 6-1, sa men’s 8-ball doubles, si Corteza ay nanaig kay Li, 8-3, bago nagwagi si Rubilen Amit kay World Women 9-ball champion Han Yu, 8-3, sa dalawang 9-ball matches tungo sa 4-0 sweep.

Hihintayin ng pambansang koponan ang mananalo sa pagitan nina Liu Haitao, Dang Ching Hu, Wang Can, Fu Xiaofang at Liu Shasha ng China 2 at Naoyuki Oi, Sasaaki Tanaka, Hayato Hijikata at Chichiro Kawahara ng Japan  para madetermina kung sino ang kalaban sa championship ngayong ika-2 ng hapon.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nasa final round ang Pilipinas sa tatlong edisyon ng torneo at balak nilang masungkit ang kauna-unahang titulo na hindi lamang maggagawad sa koponan ng $80,000.00 premyo kungdi magpapatibay sa pagiging pinakamahusay na bansa sa larangan ng bilyar.

Bago ang host team ay pinabagsak ng Pilipinas ang nagdedepensang kampeong Chinese Taipei sa semifinals noong Huwebes ng gabi sa mahigpitang 4-2 panalo.

Ang Taiwanese team ay binuo nina Chang Jun Lin, Ko Pin Yi, Fu Che Wei at Chou Cheih Yu na siyang nagtulung-tulong para manalo noong 2012 edisyon.

Naghati ang mag-kabilang koponan sa 8-ball at 9-ball matches pero nanalo ang Pinas sa 10-ball men at mixed events sa dikitang 7-6 iskor.

Sina Biado at Amit ang siyang naghatid ng mahalagang pang-apat na panalo nang naisantabi ang pagkawala ng 5-2 kalamangan at iniwanan pa ng Taiwan team sa 11th rack (5-6) nang suwertehin na maipanalo ang huling dalawang racks.

Umabot sa semifinals ang China 1 matapos ang 4-1 panalo sa Singapore.

Ang Japan ay pumasok sa Last Four nang talunin ang Germany sa shootout, 7-5, matapos mauwi sa 3-3 tabla ang kanilang tagisan habang binokya naman ng China 2 ang Great Britain, 4-0. (AT)

vuukle comment

ANG JAPAN

ANG TAIWANESE

BALL

CARLO BIADO

CHANG JUN LIN

CHICHIRO KAWAHARA

CHINESE TAIPEI

CHOU CHEIH YU

CHU BING CHIA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with