LeBron bumawi sa mga pulis nagpadala ng 800 cupcakes
MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin si NBA star Le-Bron James, gumawa ng ‘excitement’ sa kanyang pagbabalik sa Cleveland Cavaliers, sa komunidad ng Ohio sa pamamagitan ng pagpapadala ng 800 cupcakes.
Nakatanggap ang Bath Township police department ng limang dosena ng desserts kasama ang isang sulat ng paghingi ng paumanhin ni James dahil sa nangyaring kaguluhan sa komunidad.
Nakasulat sa papel ang pangalang James, kanyang asawang si Savannah at ng kanilang dalawang anak na lalaki.
“We are all on a sugar high here,” wika ni Police Chief Michael McNeely. “There are cupcakes galore and they are the best I’ve ever eaten.”
Ayon kay LaKisha Williams, ang co-owner ng Baker Blvd. Decadent Cupcakes sa Akron, Ohio, halos buong araw silang nag-deliver ng cupcakes sa 65 bahay.
Kasama sa cupcakes ang sulat na: “Dear Friend, We know things have been hectic in our neighborhood these past few weeks and we are sorry for the chaos. We are so thankful to live in this wonderful community and we are so blessed to have understanding neighbors like you.”
Kinailangan ng mga pulis at residente ng Bath, isang suburb sa Akron kung saan pumasok si James ng high school, na harangin ang mga fans at media sa pagpasok sa kanyang tahanan bago ang July 11 announcement sa kanyang pagpirma ng free agent contract sa Cavaliers.
Sinimulan ni James, isang four-time winner ng NBA Most Valuable Player award, ang kanyang career sa Cleveland noong 2006 bago lumipat sa Miami Heat noong 2010.
Nanalo ang Heat ng dalawang NBA titles sa loob ng apat na seasons kasama si James at umaasa ngayon ang mga Cavs fans na makapagbibigay siya ng NBA championship sa Cleveland.
- Latest