Jose Rizal ginulat ang Perpetual; Arellano wagi sa Baste
MANILA, Philippines - Nasa tamang lugar si Dave Sanchez para itulak ang host Jose Rizal University Heavy Bombers sa 62-61 panalo sa Perpetual Help Altas sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nakuha ni Sanchez ang mintis ni Philip Paniamogan para sa follow-up at burahin ang 61-62 iskor matapos ang transition basket ni Earl Scottie Thompson para sa Altas sa huling 11 segundo.
May 2.3 segundo pa sa orasan pero hindi nagawang ipasok ni Juneric Baloria ang 3-point attempt sa half court.
Tumapos si Sanchez na may 6 points at 3 rebounds, habang si Paniamogan ay may 16 markers para sa 3-3 karta ng Heavy Bombers.
Sa ikalawang laro, nagwagi ang Arellano laban sa San Sebastian, 96-86.
Si Jiovanni Jalalon ay kinapos ng tatlong steals para sana sa isang triple-double sa kanyang 21 puntos, 13 assists at 7 steals at ang nanggugulat na koponan ni first year coach Jerry Codiñera ay may 4-1 baraha.
Pumutok ang Chiefs sa huling yugto at ang magkasunod na triples ni Levi Hernandez ang naglayo sa Arellano sa 16 puntos, 94-78.
Si Baloria ay may 22 puntos, habang si Harold Arboleda ay humablot ng 20 rebounds at isinama sa kanyang 11 puntos.
Pero si Thompson ay naghatid lamang ng siyam na puntos mula sa 4-of -13 shooting. (AT)
JOSE RIZAL 62 - Paniamogan 16, Benavidez 8, Mabulac 8, Sanchez 6, Abdul Wahab 6, Asuncion 6, Grospe 4, Lasquety 4, Salaveria 2, Teodoro 2.
Perpetual Help 61 - Baloria 22, Arboleda 11, Alano 10, Thompson 9, Jolangcob 5, Ylagan 2, Bantayan 2, Oliveria 0, Dizon 0, Gallardo 0, Sadiwa 0, Dagangon 0.
Quarterscores: 17-17; 31-37; 47-49; 62-61.
ARELLANO 96 - Jalalon 21, Enriquez 17, Agovida 17, Holts 13, Hernandez 12, Caperal 7, Pinto 7, Ortega 2, Salcedo 0, Gumaru 0, Nichols 0, Ciriacruz 0, Bangga 0.
San Sebastian 86 - Perez 22, Guinto 19, Ortouste 11, Dela Cruz 10, Yong 9, Calisaan 6, Camasura 3, Costelo 3, Balucanag 2, Aquino 1, Fabian 0.
Quarters: 14-18; 43-37; 68-64; 96-86.
- Latest