^

PM Sports

My Kolet nalo kay Serrano sa PCSO Trophy Race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakitaan ng magandang pacing sa kabayo si JG Serrano para mangibabaw ang My Kolet sa pinaglabanang PCSO Trophy Race noong Sabado sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Tampok na karera ito sa hanay ng 10 inilatag sa ikatlong racing club sa bansa at nakitang sinabayan lamang ng My Kolet ang mga nangungunang kabayo bago pinahataw ni Serrano pagpasok sa rekta tungo sa dominanteng panalo sa 1,400-metro karera.

Suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinahugan ng P250,000.00 gantimpala, ang panalo ng My Kolet ay naghatid ng P150,000.00 sa kanyang connections.

Naubos ang Make My Day pero nakaremate ang stable mate na Supreme Leader na sakay ni WC Utalla para kunin ang ikalawang puwesto at ang P56,250.00 premyo.

Sumunod na tumawid ang Wise Decision bago ang Tarlak para maibulsa ang P31,250.00 at P12,500.00 gantimpala, ayon sa pagkakasunod.

Nagpasok ang win ng P22.00 habang ang 1-6 forecast ay may ibinigay pang P111.50 dibidendo.

Samantala, magkakaroon ng karera ngayon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at lahat ng walong karera ay mga Manila Jockey Club, Inc. Special Races kung saan may dagdag na premyo mula sa host club.

Paglalabanan din sa gabing ito ang carry over sa Super Six na nagkakahalaga ng P582,274.66.

Makulay ang karera sa San Lazaro sa linggong ito dahil sa club na ito gagawin ang ikatlo at huling yugto ng 2014 Philracom Triple Crown Championship sa Linggo.

Bago ito ay paglalabanan muna sa Sabado ang 3rd leg ng Hopeful Stakes race na tiyak na magpapatingkad sa araw na iyon.

 

HOPEFUL STAKES

MAKE MY DAY

MANILA JOCKEY CLUB

METRO TURF CLUB

MY KOLET

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILRACOM TRIPLE CROWN CHAMPIONSHIP

SABADO

SAN LAZARO

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with