^

PM Sports

Army, PLDT nagsosyo sa pangunguna

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naiwan ang Philippinr Army at ang PLDT Home Telpad sa pagsasalo sa lide-rato matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo sa pagpapatuloy ng elimination round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan kahapon.

Sumandal ang Philippine Army kina Mary Jean Balse at Rachel Ann Daquis para talunin ang Philippine Air Force, 25-20, 23-25, 25-16, 25-23 habang tinalo ng bagitong PLDT Home Telpad ang Ateneo, 25-21, 25-13, 26-24.

Ito ang parehong ikalawang sunod na panalo ng Army at PLDT para pagsaluhan nila ang pamumuno sa team standings.

Humataw si Balse ng 13 attacks, 3 excellent blocks at 4 service aces para banderahan ang panalo ng Lady Troopers, habang tumapos si Daquis na may 20 hits at nagdagdag si Jovelyn Gonzaga ng 12 markers.

Kumamada si dating MVP Suzanne Roces ng 12 hits, kasama ang match-clinching attack, para sa PLDT Home Telpad, samantalang nag-ambag si Charo Soriano ng 8 points laban sa kanyang dating koponang Ateneo.

Umiskor si Alyssa Valdez ng 14 kills para tumapos na may 18 hits ngunit nabigong makakuha ng suporta mula sa iba pang Lady Eagles. Nagdagdag si Miren Gequillana ng 5-points para sa Ateneo.

Sinamantala ng Lady Troopers ang net violations ng Lady Raiders para makabawi buhat sa 18-21 agwat sa fourth set at angkinin ang tagumpay sa loob ng isang oras at 51 minuto.

Nauna nang nakaba-ngon ang Air Force mula sa 3-8 pagkakaiwan sa pagsisimula ng fourth set bago agawin ang 20-17 bentahe.

Ang block ni Jen Manzano kay Gonzaga ang nagresulta sa kanyang kill para sa 21-18 kalamangan ng Lady Raiders.

Subalit napuwersa ang Air Force sa magkasunod na  net violations na nagresulta sa pagbangon ng Army sa pamumuno nina Balse at Ginie Sabas.

May 1-1 kartada nga-yon ang Air Force, winalis ang Philippine National Police sa kanilang unang asignatura sa torneo.

 

AIR FORCE

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

CHARO SORIANO

GINIE SABAS

HOME TELPAD

JEN MANZANO

LADY RAIDERS

LADY TROOPERS

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with