^

PM Sports

Wesley nakipag-draw, natablahan sa unahan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakipag-draw si Filipino Grandmaster Wesley So kay Canadian FIDE Master Vladimir Pechenkin matapos ang 109 move sa 9th Edmonton Chess Festival sa Ed­monton, Alberta, Canada.

Ang nasabing draw ang nagresulta sa pagtabla sa  top-seeded na si So ni No. 2 Ivanchuk, isang dating World Challenger na bumigo kay Canadian FM Dale Haesse sa 20 moves, mula sa magkatulad nilang 6 points matapos ang seventh round.

Mula sa pagiging No. 12 ay nalaglag ang 20-anyos na si So, may 2754 ratings, sa No. 15 sa kanyang 2749.

Nagmula si So sa paghahari sa Capablanca Memorial sa Cuba kamakailan.

Inaasahang pipilitin ni So na masolo ang pa­ngunguna sa pagharap kina GM Irina Krush ng United States at Haessel sa huling dalawang rounds ng torneo.

Sa Battle of GMs sa Pilipinas ay binigo ni Eugene Torre si International Master Paulo Bersamina sa  57 moves ng Torre Attack para magposte ng 23 points at angkinin ang korona.

Inungusan ng 62-anyos na si Torre si GM John Paul Gomez ng kalahating puntos para pagharian ang tor­neo.

Nakipag-draw ang dating solo leader na si Gomez kay IM Jan Emmanuel Garcia sa 26 moves na nagbi­gay-daan sa pag-angat ni Torre.

Sina Torre at Gomez ang kumuha sa huling dalawang tiket para sa koponang isasabak sa World Chess Olympiad sa Agosto 1-15 sa Tromso, Norway kasama sina So, Julio Ca­talino Sadorra at Oliver Barbosa.

 

CAPABLANCA MEMORIAL

DALE HAESSE

EDMONTON CHESS FESTIVAL

EUGENE TORRE

FILIPINO GRANDMASTER WESLEY SO

GOMEZ

INTERNATIONAL MASTER PAULO BERSAMINA

IRINA KRUSH

JAN EMMANUEL GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with