May apat na goals na rin si Messi
RIO DE JANEIRO – Ang karera para sa World Cup golden boot o ang award para sa top goal scorer ay naging labanan ng dalawang taga-Barcelona nitong Miyerkules nang umiskor si Lionel Messi ng dalawang goals upang ihatid ang Argentina sa 3-2 panalo kontra sa Nigeria para pantayan ang 4-goal na produksiyon ni Neymar sa tatlong laro ng Brazil.
Gusto ring makisali ni Xherdan Shaqiri nang umiskor ng hat trick sa paggupo ng Switzerland sa Honduras, 3-0 para makapasok sa Group F. Pinarisan niya sina Karim Benzema at Enner Valencia na hindi nadagdagan ang tigatlong goals sa torneo nang magtapos sa 0-0 draw ang laban ng France at Ecuador na may 10-tao lamang.
Nanguna ang France sa Group E.
Itinala naman ng Bosnia ang kanilang unang panalo sa World Cup sa isa pang laro matapos igupo ang Iran, 3-1 bagama’t pareho na silang sibak sa kontensiyon.
Sunod na kalaban ng Swiss si Messi at ang Argentina sa Martes sa Sao Paulo at kalaban ng France ang Brasilia sa Lunes.
Sigurado namang hindi maikokonsidera para sa golden boot si Luis Suarez na iniimbestigahan ngayon ng FIFA dahil sa diumano’y pangangagat nito sa balikat ni Italian defender Giorgio Chiellini noong Martes.
Kalaban naman ng Uruguay ang Colombia nitong Sabado para sa round-of-16.
Pinarisan ni Messi ang produksiyon ng kanyang Barcelona teammate na si Neymar nang tirahin niya ang isang rebound sa third minute at nag-curl sa freekick bago mag-halftime.
- Latest