^

PM Sports

Kagatan sa panalo ng Uruguay vs Italy; England, Costa Rica tabla

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging palaban ang Uruguay at sa katunayan ay may kagatan pang nangyari tungo sa kanilang 1-0 pa-nalo kontra sa Italy nitong Martes upang umusad sa susunod na round sa World Cup kasama ang Costa Rica na nagpauwi sa England matapos ang 0-0 draw.

Sa paghina ng mga European teams, lalong lumakas ang South America na kinatampukan ng pagtatala ng Colombia ng perfect record sa Group C sa pamamagitan ng 4-1 panalo kontra sa Japan.

May isang European team din na pumasok  ang Greece na ginamit ang injury time penalty para sa 2-1 panalo kontra sa Ivory Coast na nasibak sa kontensiyon.

Ngunit nabahiran ng kontrobersiya ang gabi na tatatak kay Uruguay striker Luis Suarez.

May 80 minutes na ang nalalaro nang magkagirian sina Suarez at Giorgio Chiellini kung saan nakita sa replays na parang kinagat ni Suarez ang balikat ng Ita-lian defender.

Kung nangagat nga siya, ikatlong beses na niya itong ginawa sa loob ng apat na taon.

“It was absolutely clear. There’s even a mark,” sabi ni Chiellini.

Wala namang nakita ang mga referee ng pangangagat at walang foul na itinawag.

Sa resulta lang naman nakatingin ang Uruguay coach na si  Oscar Tabarez.

Makalipas ang isang minuto, ang decisive goal ay naiskor ng malakas na tira gamit ang ulo at balikat ni captain Diego Godin na nagkaroon ng perfect direction.

Ang Italy ay may 10-tao lamang mula sa ika- 59th minute nang tumanggap si Claudio Marchisio ng red card na tinira si  Egidio Arevalo sa tuhod.

Ang draw kontra sa England ay nagbigay sa Costa Rica, ang surprise team ng kompetisyon ng pangu­nguna sa Group D laban sa mga dating champions.

vuukle comment

ANG ITALY

CLAUDIO MARCHISIO

COSTA RICA

DIEGO GODIN

EGIDIO AREVALO

GIORGIO CHIELLINI

GROUP C

GROUP D

IVORY COAST

LUIS SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with