Talk ‘N Text babangon
MANILA, Philippines - Buo pa rin ang paniniwala ni Talk N’Text coach Norman Black na babangon ang kanyang mga alipores sa kanilang ikalawang pakikipagkita ng San Mig Coffee sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup semifinals ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Inilagay ang tagisan sa best-of-five series at alam ni Black na ang 0-2 karta ay magpapahirap sa tangkang makapasok sa Finals sa ikatlo at huling confe-rence ng PBA.
“No question, we cannot afford to go down two games,†pahayag ni Black.
Naunang nagdomina ang Tropang Texters pero lumambot ang mga ito sa huling minuto ng fourth period bago kumulapso sa overtime tungo sa 88-92 pagkatalo.
“San Mig Coffee has shown the ability to fi-nish strong. It is important for us that we play tough, intense basketball for 48 minutes and execute well,†dagdag ni Black.
Ang momentum ang sisikaping sakyan ng tropa ni coach Tim Cone para lumapit sa pag-apak sa Finals.
Hindi pa tiyak kung makakalaro ang mga may injuries na sina James Yap at PJ Simon habang nananakit din ang likod ni Joe DeVance.
Kaya mananalig si Cone na magpatuloy ang solidong kontribusyon nina Marqus Blakely, Mark Barroca at Mark Pingris bukod sa suporta ng bench tulad ni Allein Maliksi.
Naglalaban pa ang Rain or Shine at Alaska sa Game 1 ng kanilang semis series kagabi habang sinusulat ang balitang ito. (AT)
- Latest