UAAP accreditation simula na
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng University of the East (UE) ang pagtanggap ng application ng media accreditation para sa Season 77 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
I-email ang request para sa accreditation sa [email protected].
Ang mga writers at photographers mula sa legitimate national dailies at tabloids at ang kanilang official websites; weekly/monthly/bi-monthly/quarterly magazines; broadcast networks websites; staff ng radio sports programs at stations; wires (foreign/local, print/photo) agencies; online sports outfits na na-screen na ng liga; at official school publications (organs) mula sa eight member universities ay maaaring mag-apply ng accreditation.
Hindi bibigyan ng UAAP ng accreditation ang mga (bloggers), personal websites at semi-annual publications.
Magbibigay ang UAAP ng walong accreditation para sa writers at photographers sa bawat kumpanya/outfit ngunit apat lang na media ID cards (dalawa para sa reporters/writers at dalawa para sa photographers) ang ibibigay.
Isang reporter/writer at isang photographer lamang ang papapasukin sa mga games venue sa bawat playing day.
- Latest