KIa-Pacquiao impact
Talagang seryosong gumawa ng pangalan ang Columbian Autocar Corporation gamit ang pangalang Kia Motors sa PBA.
Sa tatlong bagong team na papasok sa PBA, ang Kia ang pinakamatunog dahil sa kanilang pagkuha sa Pinoy boxing hero na si Manny Pacquiao bilang coach. Walang gaanong balita sa NLEX at Blackwater.
Naniniwala silang si Pacquiao ang ‘right choice’ para mag-coach ng kanilang team. Inaasahan nilang ang pagiging kompetitibo at ang character bilang 8-division world champion ni Pacquiao ang magdadala sa kanila sa tagumpay.
Alam nating lahat na mahilig ding mag-basketball si Pacquiao.
Ang maglaro sa PBA ay ibang level…. Lalo na ang pagko-coach ng isang baguhang PBA team na mas mahirap na trabaho.
Kasabay ‘yan ng kanyang pagboboksing na siya niyang tunay na pinagkakakitaan ng malaking pera. At siyempre mayroon pa siyang kailangang gampanang tungkulin bilang kinatawan ng Saranggani Province sa Kongresso.
Seryoso din si Pacquiao sa kanyang bagong trabaho dahil siyempre kahit sino naman ay ayaw mapahiya sa kanilang ginagawa.
Magaling ang diskarteng ito ng Kia.
Mahirap nga namang gumawa ng impact sa PBA sa kanilang unang taon. Lalo na ang Kia na walang team sa PBA D-League ‘di tulad ng NLEX at BLackwater na may pangalan na rin.
Hindi rin sila maka-kabuo ng malakas na team dahil puro latak na player lang ang kanilang makukuha mula sa free agency at sa rookie draft.
Siguradong hindi sila kukubra ng mara-ming panalo… Hindi ito magandang pagkakakilanlan ng kanilang produktong kotse.
Pero kung kadikit ng pangalan ng kanilang kumpanya ang pangalan ni Manny Pacquiao, iba ang dating diba?
Maganda para sa Kia pero ‘di maganda sa tingin ng marami para kay Pacquiao.
Bakit?... Kailangan pa bang ipaliwanag ‘yan...
- Latest