^

PM Sports

Alaska, Barako nalo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binuksan ng Aces at ng Energy Cola ang 2014 PBA Governors’ Cup sa pamamagitan ng panalo kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng Alaska ang San Miguel Beer, 94-87, habang tinakasan ng Barako Bull ang Meralco, 95-94, mula sa split ni import Eric Wise sa hu-ling 1.5 segundo.

Sumandal ang Aces kina import Bill Walker, Sonny Thoss at Calvin Abueva sa huling dalawang minuto ng laro para kunin ang una nilang panalo laban sa Beermen.

Humakot si Walker ng 27 points kasunod ang 18 ni Thoss, 12 ni Abueva at 10 ni Gabby Espinas para sa Alaska.

Tumapos naman si Wise na may 33 points at 16 rebounds para pamunuan ang tagumpay ng Energy Cola sa Bolts.

Nagposte ang Barako Bull ng 21-points na kalamangan, 46-25 sa se-cond period bago kunin ng Meralco ang 11-point advantage, 86-75 sa hu-ling limang minuto ng final canto.

Matapos ang basket ni Wise para sa 94-92 bentahe ng Energy Cola sa huling 30.1 segundo ay nakatabla naman ang Bolts sa 94-94 mula sa dalawang free throws ni Gary David  sa nalalabing 5.1 segundo.

Nakahugot ng foul si Wise kay NBA vete-ran Terrence Williams sa natitirang 1.3 segundo para sa kanyang split na  nagpanalo ng Barako Bull.

 

 

vuukle comment

BARAKO BULL

BILL WALKER

CALVIN ABUEVA

ENERGY COLA

ERIC WISE

GABBY ESPINAS

GARY DAVID

MERALCO

SAN MIGUEL BEER

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with