Macho Machine naka-2 sunod
MANILA, Philippines - Ibinulsa ng Macho Machine ang ikalawang sunod na panalo para sa Prince Popeye na lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nanalo noong Huwebes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Fernando Raquel Jr. ang hinete ng Macho Machine na nakuha ang ikalawang sunod na panalo sa pagsali sa 3YO Maiden A race sa 1,200-metro distansya.
Sinundan lamang ng Black Fury na dinisÂkartehan ngayon ni Rodeo Fernandez mula simula hanggang sa likuran bago kinargahan ni Raquel ang kabayo tungo sa halos anim na dipang panalo sa Black Fury.
Ang pangalawang puwestong pagtatapos ng Black Fury ay nagbaÂngon sa kabayo mula sa pang-sampung puwesto noong Mayo 10 sa pagrenda ni RR Camañero.
Nadehado ang Black Fury upang ang 7-6 forecast ay naghatid ng P30.00 habang ang win ay nasa P5.50 dibidendo.
Si Jessie Guce ang patuloy na dumiskarte sa Prince Popeye na tumakbo kasama ang coupled entry Pearlescence.
May 12 kabayo ang naglaban at mahusay na nailusot ni Guce ang kabayo sa mga kasabaÂyan tungo sa tagumpay.
Napaboran ang coupled entries para sa P5.50 win pero nakuha ng Speed Maker ang pangaÂlawang puwesto upang makapagbigay pa ng mas magandang P83.00 dibidendo sa 6-10 forecast.
Ito ang ikalawang panalo ni Guce sa gabing ito dahil nauna niyang ginabayan sa unang puwesto ang paborito ring Café Rodolfo.
Kita ang magandang kondisyon ng nanalong kabayo nang pangunahan agad ang anim na kabaÂyong karera na nilahukan ng bigating mga kabayo.
Dumikit ang Pencil Away at Mrs. Teapot at ganito ang naging puwesto hanggang sa pagpasok sa far turn na kung saan bumuka ang Café Rodolfo.
Sinikap na samantalahin ito ng Pencil Away ni CS Pare nang kinuha ang kalahating katawang kalamangan pagpasok sa huling 150-meter.
Pero nakabawi agad ang Café Rodolfo at sa huling 75-metro ay humaÂrurot na ito tungo sa halos tatlong dipang panalo.
Ang Handsome Hunk ni RM Telles ang siyang nakapanorpresa sa huling takbo sa pista na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa linggong ito.
Buo na dumating ang Handsome Hulk na namurong manalo matapos ang pang-apat na puwestong pagtatapos noong Mayo 8.
Pumangalawa sa datiÂngan ang di gaanong napansin na Monte Napoleone para maghatid ang forecast na 8-3 sa P206.00 habang ang win ay may naihatid na P74.00 sa win. (AT)
- Latest