^

PM Sports

Philracom hinimok ni Pangulong Aquino

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagbati sa ika-40th anibersaryo ng pagkakatatag ay hinimok pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang pamu­nuan ng Philippine Ra­cing Commission (Philra­com) na ipagpatuloy ang magandang serbisyo para dire-­diretso ang  mga magandang  nangyayari sa horse ra­cing.

Ginawa ito ni Aquino sa kanyang mensahe sa ahensya at kanyang ipinagdiinan na ang patuloy na pagtitiwala ng tao sa Philracom ay isa sa mahalagang aspeto sa kanyang isinusulong na good governance.

“Intergrity and good governance are vital cornerstones in our mission to bring lasting progress to the country. These are essential to your rule as a regulatory body, whose continued excellence will help redefine the Philippines as we journey towards greater inclusiveness,” wika ni Aquino.

Dapat din na hindi makontento ang mga opisyales ng Philracom sa pangu­nguna ng chairman na si Angel Castano Jr. upang maipagpatuloy ang paghahatid ng panga­ngailangan ng mga taong tumatangkilik sa horse racing.

“May this event inspire you to remain steadfast exemplars of patriotic service, and may your efforts to consolidate and update your systems empower our government to become a more efficient and advanced mechanism fully capacitated to meet the needs of the Filipino people,” pagtatapos ng mensahe ng Pangulo.

Wala pa sa kalahati ang taong 2014 pero malaki ang  senyales na magiging produktibo ang industriya kung paghahatid ng kita sa kaban ng bayan ang pag-uusapan.

Sa pagtatapos ng u­nang quarter (Enero hanggang Marso) ay nasa P154.7 milyon na ang itinaas ng kinita ng industriya kung ikukumpara ang unang tatlong buwan sa 2013.

Hindi malayong tumaas pa ito hanggang Hun­yo dahil sa pagdaraos ng mga karerang may added prizes at ang pagsimula na rin ng prem­yadong karera para sa mga tatlong taong gulang na mga kabayo na Triple Crown Championship.

Ang unang leg ay gagawin sa Mayo 18 sa  Metro Turf at paglalabanan ito sa 1,600-metro karera.

Ang pangalawang leg ay sa Hunyo 22 sa Santa Ana Park sa 1,800-metro distansya at ang ikatlo at hu­ling  leg ay sa Hulyo 27 sa San Lazaro Leisure Park at gagawin ito sa 2,000-metro.(AT)

ANGEL CASTANO JR.

AQUINO

METRO TURF

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE RA

PHILRACOM

SAN LAZARO LEISURE PARK

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with