^

PM Sports

Lady Tamaraws, Lady Eagles magtatangka sa quarters

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng Far Eastern University at ng Ate­neo De Manila Uni­versity na kunin ang pu­westo sa quarterfinal round sa pagbabalik ng mga laro nga­yon ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Susukatin ng Lady Ta­­maraws ang angas ng bagong koponan na Davao Lady Agilas sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng UAAP champion na Lady Eagles at ng St. Benilde Lady Blazers sa alas-4.

Ang Arellano Lady Chiefs  (4-1) at Adamson Lady Falcons (3-1) sa Group A at nagdedepen­sang kampeon National University Lady Bulldogs (4-0) sa Group B ang mga  na­katiyak na ng puwesto sa susunod na yugto ng kompetisyon sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

May 2-2 karta ang La­dy Tamaraws at ang ma­kukuhang ikatlong pa­nalo ay sapat na para ma­kaabante sa ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Ito naman ang unang salang sa kompetisyon ng Lady Agilas at tiyak na nais nilang buksan ang kampanya sa liga bitbit ang panalo.

Mahalaga ang makukuhang resulta dahil li­mang sunod na laro ang ka­nilang haharapin at kai­langang makatatlong pa­nalo para magpatuloy ng laban sa torneo.

Sina Cherry Ann Bal­se, Mae Antipuesto, Ve­­nus Flores at Princess Oliveros ang ma­­ngu­ngu­na para sa Lady Agilas upang matapatan ang ti­yak na inspiradong pag­lalaro ng Lady Tams na pi­nabagsak sa huling laro ang NCAA champion na Perpetual Help Lady Altas.

Ipapakita naman ng UAAP titlist na Ateneo na walang epekto ang maha­bang bakasyon sa pag-asinta nila ng ikatlong panalo laban sa St. Benilde Lady Blazers.

Sina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro at Michelle Morente ang mu­ling sasandalan sa La­dy Eagles para makatabla ang Adamson sa ikalawang puwesto.

Asahan naman na la­la­ban nang husto ang La­dy Blazers na hangad na itaas ang 1-1 karta.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AMY AHOMIRO

ANG ARELLANO LADY CHIEFS

DAVAO LADY AGILAS

DE MANILA UNI

LADY

LADY AGILAS

SHY

ST. BENILDE LADY BLAZERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with