^

PM Sports

Hari Ng Yambo nagposte ng panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumulekta pa ng isang panalo ang Hari Ng Yambo sa buwan ng Marso para manatili ang pangunguna sa hanay ng mga pangarerang kabayo kung kitaan ang pag-uusapan matapos ang unang tatlong buwan.

Isang class division race ang naipanalo ng PCSO Freedom Cup champion para magkaroon ng tatlong panalo at isang segundo puwestong karta ang Hari Ng Yambo sa apat na takbo.

Ang nag-iisang tagumpay ay sapat na para tumaas ang earnings sa P1,132,722.91 premyo.

Humataw ang kaba­yo­ng Super Charge sa nagdaang buwan upang lumundag mula sa ikaa­nim na puwesto noong Marso tungo sa segundo puwes­to.

Nagtala ng tatlong panalo at isang segundo puwestong pagtatapos para iangat sa 6-5-0-0 ang baraha, lalabas nga­yon ang Super Charge na pangalawang kabayo na pumasok na sa mahigit isang milyong kinita sa P1,080,135.36 premyo.

Nagpasikat din ang kabayong Golden Rule na nanalo sa tatlong karera para kunin ang ikatlong puwesto bago sumunod ang Raon at Tan Goal sa ikaapat at limang puwes­to.

Bitbit ang anim na panalo at tatlong segundo puwestong pagtatapos, ang Golden Rule ay mayroon ng P964,597.42 premyong napanalunan at angat ito ng mahigit P11,000.00 lamang sa Raon sa naiuwi ng kita na P952,721.21 sa anim na panalo at dalawang segundo puwestong pagtatapos.

Idinagdag ng Tan Goal ang Philracom 3YO Local Colts title matapos manalo sa PCSO Special Maiden Race noong Pebrero para ang dalawang dikit na panalo ay magbigay ng P900,000.00 gantimpala.

Ang dating nasa ikalawang puwesto na Kara­patan ay bumaba sa  ika­pitong puwesto matapos ang Airway.

May P894,245.05 ang Airway sa 6-1-2-0 baraha habang ang Karapatan na naghatid ng isang panalo sa buwan  ng Marso para umangat sa ikaanim na sunod na panalo ay may P849,117.95 premyo.

Ang Dainty Ankles na nasa pangatlong puwesto noong Pebrero  ang nga­yon ay nasa ikasiyam na puwesto sa P845,768.87 (5-3-1-0).

Ang Silver Sword ang nasa ikasiyam na puwesto sa P844,326.96 sa limang sunod na panalo habang ang Tensile Strength ngayon ay nasa ika-sampung puwesto sa P825,363.19 sa apat na panalo at isang segundo puwesto.

Ang premyadong kabayo sa huling dalawang taon na Hagdang Bato na nanalo sa unang karera na Philracom Commissioner’s Cup at nagbitbit ng P720,000.00 premyo ay nasa ika-14th puwesto ngayon.

Ang Bahay Toro ang nasa ika-11th puwesto sa P792,115.51 (2-2-1-0) bago sinundan ng Sulong Pinoy na mayroong P785,674.28 (3-2-3-0) at Basic Instinct na may P724,113.08 (2-2-2-0). (AT)

 

ANG BAHAY TORO

GOLDEN RULE

HARI NG YAMBO

MARSO

PANALO

PUWESTO

SHY

SUPER CHARGE

TAN GOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with