4-sunod tinuhog ng Aces
MANILA, Philippines - Sinamantala ng Alaska ang pagkakaroon ng injury ni Barangay Ginebra import Josh Powell sa first period para iposte ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa bisa ng 83-73 tagumpay sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si 2013 PBA Best Import Rob Dozier ng 22 points at 16 rebounds, habang nagdagdag ng 13 markers si JVee Casio kasunod ang 10 ni Dondon Hontiveros para solohin ng Aces ang ikatlong puwesto.
“With that win we’re guaranteed at 6th place,†sabi ni coach Luigi Trillo. “The thing to understand is it’s gonna be tougher from here.â€
Pinamunuan ni rookie Greg Slaughter ang Gin Kings sa kanyang 20 points kasunod ang 12 ni Japeth Aguilar at 11 ni LA Tenorio.
Sa unang laro, natikman ng Globalport ang kanilang kauna-unahang panalo sa komperensya matapos lusutan ang Barako Bull, 98-96, tampok ang krusyal na three-point shot at dalawang free throws ni Alex Cabagnot.
“Last game ng conference nanalo, siyempre stepping stone na iyan para sa next conference,†sabi ni rookie coach Pido Jarencio.
Naglista si Alex Cabagnot ng 14 points, tampok dito ang isang three-point shot at dalawang free throws sa dulo ng final canto, habang may 27 markers si balik-import Evan Brock at 21 si Mark Macapagal.
- Latest