Bakit ‘feeling’ gutom kahit kakakain lang?
• Mabilis kang kumain.
• Nagda-diet ka. Mas nakapokus ka sa caloric intake kaysa satisfaction ng iyong tiyan. Hindi ka pa busog pero kailangan mong ihinto ang pagkain dahil sapat na ang calories na kinain mo.
• Kulang sa protina ang iyong kinakain. Tumatagal ang pakiramdam na busog kapag sapat ang protein foods na kinain mo dahil kailangan nito ang maraming energy para matunaw sa katawan.
• Ang kinakain mo ay kulang sa fiber (kagaya ng protina) na nagpapatagal para makaramdam ka ng gutom.
• Kulang ka sa tulog. Nakakawalang gana sa pagkain ang madalas na pagpupuyat. Bumababa ang iyong “peptin level” kung laging puyat. Ang peptin ang nagbibigay sa iyo ng appetite para makaramdam ng gana sa pagkain.
• Sumosobra na ang pagkain mo ng refined carbohydrates gaya ng pasta, white bread, soda.
• Kulang sa high healthy fats ang kinakain mo. Ang halimbawa ng pagkaing may healthy fats ay itlog, avocado, salmon, olive oil, kasuy, walnuts, pumpkin seeds, yogurt, cheese, milk, dark chocolate, peanut butter, almond butter.
• Dehydrated ka. Uminom ng sapat na tubig.
• Sobra na ang pag-e-exercise mo.
• Mahilig kumain ng matatamis o maaalat.
• Umiinom ng alak bago kumain.
• Marami kang iniisip na problema
• Buntis ka.
- Latest