Mommy D. agaw atensiyon
MANILA, Philippines - Habang hinihintay ang pagpapabagsak ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. ay nabaling ang pansin ng mga boxing fans kay Aling Dionisia, ang ina ng Filipino boxing superstar.
Bago matapos ang sixth round ay naipakita ang ginagawa ni Aling Dionisia.
Hawak ang isang maliit na papel at rosaryo ay walang tigil si Aling Dionisia sa pag-usal ng mga salitang siya lamang ang nakakarinig at itinuturo si Bradley.
Ang hashtag na “Mommy D†ay kaagad pinagkaguluhan sa Twitter nang mapasama sa top trending topics sa buong mundo.
Sinabi ng mga netizens na walang isyu ito sa na-ging unanimous decision win ni Pacquiao kay Bradley.
Hinirang naman ng pangunahing American newspaper na USA Today si Mommy Dionisia bilang “the star of the night.â€
- Latest