^

PM Sports

3-0 tangka ng Cebuana, Big Chill

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang nakataya sa nagpapasikat na Cebuana Lhuillier at Big Chill sa pagbangga sa magkahiwalay na katunggali sa PBA D-League Foundation  Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Katapat ng Gems ang Cagayan Valley Rising Suns sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon at nais ng bataan ni coach David Zamar ang maipagpatuloy ang magandang pagtutulungan na nasisilayan sa koponan.

Ang Rising Suns ay hindi pa nananalo matapos ang dalawang laro kaya’t kailangang tapatan din ng Gems ang ipakikitang intensidad ng makakatunggaling koponan.

“Inaasahan kong motivated ang Cagayan sa larong ito and I hope we could match their energy and intensity,” wika ni Zamar.

Magkukrus ang landas ng Big Chill Superchar-gers at nagdedepensang kampeong Blackwater sa ikatlong  laro dakong alas-4 ng hapon at rematch ito ng semifinals na nangyari sa Aspirants’ Cup.

Nanalo ang Superchargers sa Elite sa nasabing tagisan upang umabante ang koponan sa Finals.

Bukod sa paghihiganti, kailangan din ng tropa ni coach Leo Isaac ang manalo para wakasan ang dalawang dikit na kabiguan na bumulaga sa kampanya para maidepensa ang hawak na titulo.

Magbabalik na sa Elite ang sentro na si Reil Cervantes na nasuspindi ng isang laro matapos sapukin si Ola Adeogun ng NLEX sa 84-102 pagkatalo.

Magbabakasakali din ang Jumbo Plastic Giants sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsukat sa kahusayan ng Derulo Accelero sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Galing ang Giants mula sa 76-68 panalo sa Blackwater Sports kaya’t mataas ang morale ng mga manlalaro ng koponan upang panatilihing walang panalo ang Oilers matapos ang tatlong asignatura. (AT)

vuukle comment

ANG RISING SUNS

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHAR

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION

DAVID ZAMAR

DERULO ACCELERO

JUMBO PLASTIC GIANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with