^

PM Sports

2-0 para sa Phl Davis Cuppers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa lumabas ang matitikas na laro nina Patrick John Tierro at Fil-Am Ruben Gonzales nang kunin ang straight sets panalo sa mga nakaharap  na Pakis-tani sa pagsisimula kahapon ng Asia/Oceania Zone Group II Davis Cup tie sa PCA Indoor Clay court sa Paco, Manila.

Naipagpatuloy ni Tierro ang magandang ipinakita na nagsimula sa Olivarez Cup nang kalusin si Aqeel Khan, 7-5, 6-4, 6-4 sa opening singles.

Naipaghiganti ng tubong Olongapo City netter ang straight sets na pagkatalo sa unang pagtutuos nila ni Khan noong 2009 at tinapos din niya ang limang sunod na pagyuko kung pagsali sa Davis Cup ang pag-uusapan.

Pinangatawanan naman ni Gonzales ang pagiging mas beterano kay Samir Iftikhar sa 6-4, 6-3, 6-1, pa-ngingibabaw sa second singles upang ilapit ang Pilipinas sa isang panalo para umabante sa Group II Finals sa Setyembre.

“Test ito kay PJ dahil natalo siya kay Aqeel noong 2009,” wika ni non-playing team captain Roland Kraut. “Noong nanalo siya sa first set, medyo alam na namin na gaganda pa ang laro niya. Mahalaga ang panalo dahil mas nagkaroon ng confidence si Ruben.”

Magkakaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na tapusin na ang tie ngayong hapon sa doubles match ng kung saan sina Gonzales at Treat Huey ang ilalaban ng host team kontra kina Khan at Aisam Qureshi.

Tiyak na magiging balikatan ang labanan dahil mga world class ang mga magtatagisan.

Mas maganda ang rankings ng mga Fil-Ams dahil si Huey ay number 25 sa doubles at 150 si Gonzales ngunit hindi padadaig ang Pakistani dahil si Qureshi, na number 27 sa mundo sa doubles at Khan ay matagal nang magkasama sa doubles at nakapasok na sa World Group qualifying.

Kung magwagi ang Pilipinas, ang reversed singles sa Linggo ay no-bearing na at ito ay paglalabanan na lamang sa best-of-three series. (AT)

AISAM QURESHI

AQEEL KHAN

DAVIS CUP

FIL-AM RUBEN GONZALES

GONZALES

INDOOR CLAY

OCEANIA ZONE GROUP

OLIVAREZ CUP

OLONGAPO CITY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with