^

PM Sports

PBA schedule babaguhin para sa Gilas Pilipinas

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling babaguhin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang iskedyul para mabigyan ng sapat na panahon ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Sa pulong kahapon ay sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na paiikliin nila ang darating na 2014 Governors’ Cup para sa paglahok ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na nakatakda sa Hulyo 11-19 sa Wuhan, China.

“We’re continually looking to explore ways of further compressing our third conference with the end in view of allowing our Gilas team to participate in the FIBA Asia Cup,” wika ni Salud.

Ang PBA Governors’ Cup ay inaasahang matatapos sa Hulyo 9.

Nauna nang naipanukala ang pagsasali sa Gilas Pilipinas sa darating na PBA Governors’ Cup at ang pagkakaroon ng isang mini tournament.

Ngunit mas minabuti ng PBA Board of Governors na ilahok ang Nationals sa FIBA Asia Cup sa Wuhan, China.

“The PBA Board is fully supportive of the idea of giving Gilas the chance to participate in that tourney in Wuhan, China as a prep tournament,” wika ni Salud. “With this option then the Gilas’ participation in the Third Conference (Governors’ Cup) may no longer be necessary.”

vuukle comment

ASIA CUP

BOARD OF GOVERNORS

COMMISSIONER CHITO SALUD

CUP

GILAS PILIPINAS

HULYO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

THIRD CONFERENCE

WUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with