^

PM Sports

Shakey’s V-league St. Louis U volleybelles magpapasiklab

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bigyan ng magandang panimula ang kauna-una-hang pagsali sa Shakey’s V-League ang gagawin ng St. Louis University sa pagharap sa Southwestern University ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Binubuo ng mga manlalaro ng University of Baguio at University of the Cordilleras, sisikaping alisin ng mga manlalaro ng SLU ang kaba na posibleng maramdaman gamit ang determinasyong maipanalo ang laro na magsisismula sa ganap na ika-2 ng hapon.

Inorganisa ng Sports Vision at katuwang ang Shakey’s, ang mananalo sa Lady Navigators at Lady Cobras ay makakasalo sa Ateneo sa liderato sa Group A.

Nanaig ang UAAP champion Lady Eagles sa Adamson sa apat na sets sa pagsisimula ng liga noong Linggo.

Kampeon ang St. Louis U noong 2012 Baguio-Benguet Educational Athletic League at aasahan ang husay nina dating BBEAL MVP Joan Lunday bukod kina Colleen Rossi, team skipper Florence May, Ro-xanne Almonte at Maureen Agudia para tapatan ang lakas ng CESAFI champion SWU.

Sina team captain Neresa Villanueva, Janelle Cabahug Sheena Quino at mga guest players Frances Karen Derder at Lutgarda Malaluan ang babalikat sa Lady Cobras.

Mag-uunahan ang San Sebastian at FEU sa pagtuhog ng unang panalo sa ikalawang tagisan dakong alas-4 ng hapon.

Ang power-hitter na si Gretchel Soltones ay makikipagtulungan kina Mae Crisostomo, Bea Yu, Denice Lim, Czarina Berbano at Alyssa Eroa para sa Lady Stags habang sina team captain Gizelle Uy, Joy Palma, Bernadette Pons, Faith Torres at Marie Simborio ang mga aa-sahan ng Lady Tamaraws.

Nasa unang puwesto sa Group B ang nagdedepensang kampeong National University na tinalo sa straight sets ang NCAA titlist Perpetual Help.

 

ALYSSA EROA

BAGUIO-BENGUET EDUCATIONAL ATHLETIC LEAGUE

BEA YU

BERNADETTE PONS

COLLEEN ROSSI

CZARINA BERBANO

DENICE LIM

FAITH TORRES

FLORENCE MAY

LADY COBRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with