^

PM Sports

Pacquiao at Bradley nagkasagutan sa kanilang pagkikita sa HBO premiere

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaharap sina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at world welter­weight titlist Timothy Bradley, Jr. sa 15-minute HBO premiere ng Face Off ni Max Kellerman.

Sa nasabing okasyon ay tinitigan ni Bradley si Pacquiao at sinabing wala na ang ‘apoy’ sa mga mata ng Filipino world eight-di­vision champion.

Ngunit tinitigan din ng Sarangani Congressman ang American fighter.

“I pray that God can give me that fire,” sagot ng 35-anyos na si Pacquiao sa 30-anyos na si Bradley. “Another fire. I will pray for that.”

Ngunit hindi nakun­ten­to si Bradley sa sagot sa kanya ni Pacquiao.

“Do you think that it’s gone?” tanong ni Bradley. “Do you think that it’s still there?”

Sumagot naman sa kan­ya si Pacquiao.

“I believe that…Abso­lutely. I can do that, in God’s grace. Nothing is im­possible with God,” sa­bi ni Pacquiao.

Nakatakdang mag­ha­rap sina Pacquiao at Bradley sa isang rematch sa Ab­ril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Hangad ni Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) na ma­bawi ang World Boxing Organziation (WBO) wel­terweight crown kay Bradley (31-0-0, 12 KOs).

Tinalo ni Bradley si Pacquiao mula sa kontro­bersyal na split decision para agawin kay ‘Pacman’ ang dating suot niyang WBO belt noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.

Marami ang tumuligsa sa naturang panalo ni Brad­ley.

Kaya naman walang ibang hangad si Bradley kun­di ang mapabagsak si Pac­quiao sa kanilang rematch para patunayan ang kanyang panalo noong 2012.

“This is like redemption. It’s unfinished business,” sabi ni Bradley. “This is like that dark cloud that’s still looming over boxing. Like, confused about who won the fight and who didn’t win the fight.”

 

BRADLEY

FACE OFF

LAS VEGAS

MAX KELLERMAN

NGUNIT

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with