^

PM Sports

Labanan ng mga 3YO Local Fillies ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa pagpapasiklaban ng mga three-year old horses sa pagbubukas ng pista sa MetroTurf sa Malvar, Batangas ngayong hapon.

Tampok na karera ngayon ay ang Philracom 3YO Local Fillies na inilagay sa 1,600-metrong distansya at apat na kabayo pero lima ang opisyal na bilang ang magsusukatan.

Ang mga ito ay ang Up And Away, Roman Charm, Winter’s Tale, Bahay Toro at coupled entry That Is Mine.

Labanan ng Up And Away at Bahay Toro ang siyang inaasahan na matutung-hayan sa karerang inorganisa ng Philippine Racing Commission bilang tune-up sa mga kabayo para sa tatlong leg na 2014 Triple Crown Championship.

Ito na ang ikatlong yugto ng karera at ang Up And Away na hawak ni Do-minador Borbe Jr. ang namayagpag sa ikalawang yugto laban sa Bahay Toro, ginabayan ni JB Guce at kampeon sa first leg.

Hindi naman maisasantabi ang lakas ng That Is Mine na hinawakan sa huling takbo ni Jonathan Hernandez at siyang lumutsa sa Up And Away bago naubos upang pumangatlo lamang sa datingan.

Tiyak na ibang diskarte ang ipakikita ng nasabing kabayo para mailinya ang sarili bilang kampeon sa nasabing karera.

Hahataw din ang Roman Charm at Winter’s Tale lalo pa’t may P300,000.00 unang gantimpala ang maiuuwi ng mananalong kabayo sa kanyang connections mula sa P500,000.00 na paglalabanan.

Bukas ay ang mga colts naman ang magsusukatan sa karerang gagawin din sa isang milya.

Ang mga magtatagisan ay ang mga kabayong Kanlaon, Wild Talk, Tan Goal, High Grader, Diamond’s Gold at River Mist.

Inaasahang papaboran ang Tan Goal matapos ang magandang panalo ng kabayo sa PCSO Special Maiden Race ngunit handa itong bigyan ng  magandang laban ang ibang katunggali sa pa-ngunguna ng Kanlaon.

Sariwa sa panalo ang Kanlaon sa isang 3YO race noong nakaraang buwan upang ipakita na kondisyon ito sa muling pagharap sa Tan Goal.

Ang papangalawa sa dalawang karera ay mayroong P112,500.00 habang P62,500.00 at P25,000.00 ang mapupunta sa papangatlo at papang-apat sa datingan. (AT)

vuukle comment

BAHAY TORO

BORBE JR.

HIGH GRADER

JONATHAN HERNANDEZ

KANLAON

LOCAL FILLIES

ROMAN CHARM

TAN GOAL

THAT IS MINE

UP AND AWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with