^

PM Sports

NBA news-NBA news: Curry lalaro pa rin kahit may injury

The Philippine Star

OAKLAND, Calif. – Sinabi ni Stephen Curry na gumagaling na ang kanyang strained right quadriceps at plano niyang lumaro bilang starter sa laban ng Golden State Warriors kontra sa Dallas Mavericks nitong Martes ng gabi.

Nakibahagi lamang si Curry sa pakikinig ng ka­nilang gagawing diskarte sa laro sa practice noong Lu­nes. Sinabi niyang hindi na ganoon kasakit ang kan­yang nararamdaman sa kanyang binti at naniniwala siyang mailalaro niya ito habang papagaling na ang kanyang muscles.

“It’s just a matter of making sure it doesn’t get worse,’’ ani Curry.

Na-injury ang All-Star point guard sa panalo ng Gol­den State sa Boston noong Miyerkules at naka­ramdam uli siya ng pananakit sa binti sa kanilang pa­nalo kontra sa Atlanta noong  Biyernes. Nakita sa MRI noong Sabado ang strain.

Hindi pinansin ni Curry ang nararamdamang sakit noong Sabado nang magtala siya ng 18 points at nine assists sa 30 minutong paglalaro sa panalo ng Warriors kontra sa Phoenix, 113-107.

Gumawa siya ng 3-pointer at six assists sa 23-4 run sa third quarter para makalayo ang Golden State.

 

Bennett may injury na naman

Hindi makakalaro ang  first-year forward ng Cavaliers na si Anthony Bennett nang hindi bababa sa tatlong linggo dahil sa strained left knee na siyang panibagong problema para sa No. 1 overall pick na naging malaking disappointment para sa Cleveland.

Sumailalim si Bennett sa MRI noong Linggo kung saan nakita ang strain sa kaliwang patellar tendon. Lumaro siya ng walong minuto noong Sa­bado  sa kanilang pag­ka­talo sa sariling balwar­te laban sa New York Knicks.

Ang injury ay paniba­gong balakid para kay Ben­nett, na nagpakita ng improvement nitong mga nagdaang linggo na isang senyales na puwede siyang maging rotational player.

“He’s been coming along,’’ sabi ni Cavs coach Mike Brown sa prac­tice sa Cleveland Cli­nic Courts. “He’s had some pretty good games for us on both ends of the floor. So it’s tough with the amount of time left in the season, but it’s part of this.’’

Inaasahan ng Cavs na marami pa silang magi­ging problema kay Bennett, lumaro ng isang sea­son lamang sa UNLV.

Du­mating ang Cana­dian player sa training camp na overweight ma­tapos operahan ang kanyang kaliwang balikat at nalamang mayroon si­yang asthma, seasonal al­ler­gies at sleep apnea.

ANTHONY BENNETT

BENNETT

CLEVELAND CLI

DALLAS MAVERICKS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

MIKE BROWN

NEW YORK KNICKS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with