^

PM Sports

Mainit na kiskisan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula sa mahabang holiday breather, balik-aksyon ang TNT Tropang Giga kontra Meralco Bolts ngayong gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Mas malaking atensyon ang nakatuon sa Tropa – ang Governor’s Cup titlists na sumusubok makahugot ng back-to-back championships sa PBA Season 49.

Malamang dahil sa championship hangover, matamlay ang panimula ng koponan ni coach Chot Reyes sa midseason tourney pero muli nang naka ratsada bago matapos ang 2024.

Iyon nga lamang, kailangan na naman nilang mag­painit dahil napahinga almost three weeks.

Back-to-back losses sa Eastern at sa NorthPort at back-to-back wins kontra Magnolia at Blackwater ang kartada nina Rondae Hollis-Jefferson at mga teammates papasok sa 2025 play.

Bahagyang angat ang Meralco (4-2) na mas naunang sumabak sa aksyon sa bagong taon. Naisahan nila ang Eastern, 88-83, noong Linggo sa Smart Ara­neta Coliseum.

Malaking power source ang balik sa Meralco – ito ay sa katauhan nina Chris Banchero, Raymond Almazan, Brandon Bates at CJ Cansino na nakabalik na galing sa injury.

Timely ang kanilang balik, lalo na’t parating ang laban kontra Tropang Giga na pangungunahan nina RHJ, Calvin Oftana, Jayson Castro at Rey Nam­batac.

Inaasahan ang kanilang mainit na kiskisan sa PhilSports Arena.

TROPANG GIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with