^

PM Sports

Martinez hindi na sasali sa World event

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa posibilidad na lumala pa ang mga ti­namong injuries ay mina­buti ng mga tumitingin kay Michael Christian Mar­tinez na ipagpaliban ni­to ang pagsali sa World Junior Figure Skating Championship sa Sofia, Bul­garia sa Marso 10-16.

Nasa US na si Martinez at nagsasanay na para sa nasabing kompetisyon nang irekomenda ng kanyang doktor na huwag ituloy ang pagsali na agad na sinunod din ng kanyang coach.

“Michael’s doctor has recommended that he with­draw from the World Ju­nior since his injury has not completely healed yet, and his falls during the cur­rent practices are ad­ding to the injuries,” wika ng ina na si Maria Teresa sa Facebook.

“Michael is withdra­wing from the Bulgaria com­petition. It’s the doctor’s and coach’s decision,” dagdag nito.

Hanap sana ng 17-an­yos na si Martinez na mai­pakitang muli ang hu­say sa figure skating na kan­yang ipinamalas nang lumahok sa Sochi Winter Games noong nakaraang bu­wan.

Si Martinez ang lumabas bilang kauna-unahang Filipino at South East Asian figure skater na na­sali sa prestihiyosong kom­petisyon sa Russia at ginulat niya ang lahat nang makapasok sa final round sa dalawang araw ng kompetisyon.

Siya ay nalagay sa ika-19 puwesto sa 29 na naglaro upang ideklara ng mga television commentators si Martinez na may kinabukasan sa nasabing sport.

 

DAHIL

MARIA TERESA

MICHAEL CHRISTIAN MAR

SHY

SI MARTINEZ

SOCHI WINTER GAMES

SOUTH EAST ASIAN

WORLD JU

WORLD JUNIOR FIGURE SKATING CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with