^

PM Sports

DLSU, ADMU unahang makalapit sa titulo UAAP: Women’s volley finals

Pang-masa

Laro  NGAYON  (Smart Araneta Coliseum)

4 p.m. – Ateneo vs La Salle (Game 2, Finals)

 

MANILA, Philippines - May kumpiyansa si La Salle coach Ramil de Jesus na babalik ang dating tikas ng mga bataan sa ikalawang salpukan ng kanyang koponan at karibal na Ateneo sa UAAP women’s volleyball finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakita ng Lady Archers na nagwakas ang 30-game winning streak nang lasapin ang 25-17, 23-25, 13-25, 20-25, pagkatalo sa pagsisimula ng championship round noong Miyerkules.

“Mahirap kasi ang galing sa mahabang pahinga. Tapos ang kalaban mo ay well-motivated dahil sa mga panalong ginawa sa semifinals,” wika ni De Jesus na ang koponan ay napahinga ng 18-araw dahil dumiretso ang Lady Archers sa finals matapos ang 14-0 sweep sa elimination round.

Sa ganap na ika-4 ng hapon itinakda ang naturang labanan at ang mananalo ay mangangailangan na lamang ng isang tagumpay para maiuwi ang kampeonato.

“Ang nangyari lamang naman ay tabla na ang serye. Sa tingin ko ay mas magiging handa na ang mga players sa larong ito,” dagdag ni De Jesus.

Isa sa manlalarong sinisilip ng beteranong coach na magdadala sa koponan ay si Abigail Marano.

Si Marano ay tumapos taglay lamang ang 10 puntos sa unang tagisan.

Si Mika Reyes ay dapat na magpasikat din matapos ang walong puntos sa huling labanan habang ang serve game ng La Salle ay dapat din na manumbalik.

May limang service aces lamang ang Lady Archers kumpara sa siyam ng Lady Eagles.

Patuloy na pagkinang nina Michelle Kathereen Morente, Amy Ahomiro, Jorella Marie De Jesus at Dennise Michelle Lazaro ang dapat naman na mangyari para gumanda ang laban ng Ateneo na hawak ni Thai coach Tai Bundit.

Si Morente ang siyang nanguna sa pag-atake ng Lady Eagles sa 17 puntos habang sina Ahomiro at De Jesus ay nagsanib sa 28 puntos upang may makatuwang si Alyssa Valdez na tumapos taglay ang 16 hits.

Si Lazaro ang kumatawan sa matibay na depensa ng Ateneo matapos ang kanyang 22 digs.

Ang kanyang naitala ay kapos lamang ng pito sa 29 na kabuuang digs ng nagdedepensang kampeon. (AT)

 

vuukle comment

ABIGAIL MARANO

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ATENEO

DE JESUS

DENNISE MICHELLE LAZARO

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with