Garcia pinaimbestigahan ang isyu sa 2 PATAFA National coaches
MANILA, Philippines - Nag-utos si PSC chairman Ricardo Garcia ng isang imbestigasyon sa kasong idinulog laban sa mga PATAFA coaches na sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero.
Nagpulong sina Garcia, Sy, Hamero at PATAFA secretary-general Ben Silva-Netto sa kanyang tanggapan at sinagot isa-isa ng dalawang National coaches na tinanggalan ng sahod mula sa PSC matapos itong irekomenda ni commissioner Jolly Gomez.
“It was a meeting to listen to the two coaches. They explained to me the letter of Commissioner Jolly but I told them that I am not the person that should hear their explanation. The two coaches agreed that a committee be formed to hear the allegations,†wika ni Garcia.
Hindi pa pinangalanan ni Garcia ang mga kukuning tatlo o limang tao na bubuo sa komite pero ito ay mga indibidwal na kayang intindihin ang reklamo at sagot para makapaggawad ng tamang desisyon.
“I have until Friday to decide the composition of the committee and hopefully a hearing next Monday. The committee will make their recommendations to the PSC board who will then decide what to do,†paliwanag pa ni Garcia.
Tanggap naman nina Sy at Hamero ang desisyon ni Garcia upang malinis ang kanilang pangalan.
Inakusahan ni Gomez si Sy na hindi nagagampanan ang trabaho bilang coach dahil laging nasa PATAFA office habang si Hamero ay inakusahan na nagpeke ng dokumento para maisama ang kanyang atleta sa Pambansang koponan.
- Latest