^

PM Sports

Nanay ni Martinez nagsalita na ukol sa mga isyu

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng ina ni figure skater Michael Christian Martinez na galing sa kanya ang ‘di magagandang pahayag na lumabas noong nakaraang araw.

Sa komunikasyon gamit ang electronic mail na ipinadala ni Maria Teresa kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr at ipinarating din sa pangulo ng Philippine Skating Union (PSU) na si Manuel Veguillas, kanyang pinabulaanan ang mga lumabas na balita at sinabing hindi siya nakakausap ng kahit na sinong mamamahayag.

“Just for your information, many reports/news that made it appear as if they have interviewed me is not true and many of the statements are lies,” wika ni Martinez.

Isa sa itinanggi niya ay ang umano’y pagliham kay Pangulong Benigno Aquino III na kung saan sinasabing humihingi siya ng suporta para maipadala ang kanyang anak sa Winter Olympics sa Sochi, Russia.

Tinawag niyang ‘inaccurate’ ang lumabas na balitang ito at itinanggi na gumawa siya ng direct letter sa Pangulo.

“I am writing a letter to my lawyer to immediately address these malicious reports in Manila,” dagdag ni Martinez.

Naiulat na ang pamilyang Martinez ay nangailangan na magsanla ng kanilang bahay para makasama ang anak sa Winter Games.

Ang 17-anyos na si Martinez ang natatanging manlalaro mula sa South East Asia at nag-iisang kakampanya para sa Pilipinas sa nasabing kompetisyon nang mag-qualify sa figure skating.

Ang event ay nagsimula kagabi at kailangan ni Martinez na pumasok sa Top 24 sa 30 na maglalaro para umabante sa final round ngayon.

Dahil dito ay nagsalita ang POC na hindi nila pinabayaan ang batang si Martinez at nagbigay sila ng kabuuang $14,125.00 tulong mula sa IOC Olympic Solidarity Program at refund sa gastos nito noong nagsanay sa Russia.

Kahit ang PSC ay nagsabing may $7,200.00 ang ibinigay nila sa PSU na siyang humingi ng pondo kay Martinez.

“I do not know why they are creating bad news in the Philippines and the timing is not good as Michael will be competing on the 13th,” pahayag pa ng nakatatandang Martinez.

Nag-iimbestiga na ang mga abogado ni Martinez ukol sa pangyayari.

JOSE COJUANGCO JR

MANUEL VEGUILLAS

MARIA TERESA

MARTINEZ

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

OLYMPIC SOLIDARITY PROGRAM

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SKATING UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with