ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week: Mark Barroca - San Mig Coffee
MANILA, Philippines - Malaki ang pasalamat ni San Mig Super Coffee guard Mark Barroca kay assistant coach Johnny Abarrientos na siyang dahilan ng kanyang maturity nga-yong season.
Naglarong parang beterano si Barroca, nasa kanyang ikatlong taon pa lang sa PBA, na may misyon sa scoring, passing at hustling sa depensa upang tulungan ang San Mig na kunin ang 2-1 kalamangan sa serye laban sa Barangay Ginebra sa kanilang PLDT myDSL-PBA Philippine Cup semifinals.
Ang 5’10†na pambato ng Zamboanga ay umiskor ng limang puntos sa kanilang series-opener, ngunit ang kanyang mahirap na turnaround shot laban sa depensa ni LA Tenorio sa dying seconds, ang nag-angat sa San Mig sa kapana-panabik na 85-83 panalo laban sa Ginebra.
Kinuha ng Ginebra ang Game Two sa magaan na 93-64 panalo laban sa San Mig squad.
Ngunit makalipas ang dalawang araw, pina-ngunahan ni Barroca ang Mixers sa pagkamada ng 15 sa kanyang career-high na 25 points sa second half upang tulungan ang San Mig na kunin ang 97-89 panalo para sa kalama-ngan sa serye.
Ang dating Far Eastern University playmaker ay nagdagdag ng 8-rebounds, 5-assists, 1-steal at 1-block para sa Mixers na tangka ang 3-1 bukas.
Dahil dito, napili si Barroca sa ikatlong sunod na pagkakataon bilang Accel-PBA Player of the Week para sa linggong January 24-February 2.
Tinalo niya si Rain or Shine guard Paul Lee para sa weekly citation.
“Malaking bagay ‘yung tinuturo sa akin ni coach Johnny kasi si-yempre, dun siya naging successful sa triangle (offense) dahil marami siyang naging championship noon,†sabi ni Barroca, ang Best Player of the Game sa Games One at Three.
Ayon kay Barroca, hindi mahalaga kung umiskor siya o hindi, basta manalo ang San Mig.
- Latest