Boosters nais tumabla sa Elasto Painters ngayon Mixers kinuha ang 2-1 bentahe
MANILA, Philippines - Binuhay ng mga guards ng San Mig Coffee ang koponan para angkiÂnin ang 97-89 panalo sa Barangay Ginebra at kuÂnin ang 2-1 bentahe sa kaÂnilang PLDT-MyDSL PBA Philippine Cup seÂmifinals series kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang beteranong si Mark Barroca at rookie JusÂtin Melton ang nagtulong matapos tapyasan ng Gin Kings ang sampung puntos na kalamangan ng Mixers tungo sa tatlo paÂra agad na makabangon muÂla sa 64-93 pagkadurog sa Game Two.
“We deserved to have a good game. Our last game was a blowout. The guys showed a lot of chaÂracter coming out strong and down the stretch, we good great contributions from the other players,†wiÂka ni San Mig Coffee coach Tim Cone.
Lumayo ang koponan sa 20-6 pero sa likod ni Greg Slaughter ay nakaÂbawi ang Ginebra at nakuha pa ang 47-46 kalamangan sa halftime.
Ang buslo ni Jayjay HelÂterbrand ang nagbigay sa Gin Kings ng 66-62 abante, ngunit may apat na puntos si Barroca, habang kumawala ng triple ni Melton para iangat ang San Mig Coffee, 71-68.
Gumawa ng tig-isang tres sina PJ Simon at Joe Devance para sa 83-73 bentahe nang bumalikwas ang Gin Kings nang makalapit sa tatlo, 83-80.
Samantala, pagsisikaÂpan ngayong alas-8 ng gaÂbi ng Petron Blaze na maulit ang nag-aalab na paglalaÂro sa Game Three para maitabla ang serye nila ng Rain or Shine sa Smart Araneta Coliseum.
Lumayo kaagad ang Boosters sa unang yugto at napanatili ng koponan ang maagang pagpapasikat patungo sa 106-73 deÂmolisyon sa Elasto PainÂÂters sa Game Three para makalapit sa serye, 1-2.
- Latest