2013 PSA Annual Awards 1st Milo Marathon winner, Palaro standouts paparangalan
MANILA, Philippines - Bilang tradisyon sa pagkilala ng mga bata at promising talent, magkakaroon uli ang Philippine Sportswriters Association (PSA) ng Milo Junior Athletes of the Year honorees sa gaganaping Annual Awards Night sa darating na Sabado.
Ang mga multi-me-dalists na sina swimmers Regina Erin Castrillo at Rafael Barreto ang mga napiling recipients ng special award na ibibigay sa gabi ng pagtitipon ng mga Philippine sports heroes ng 2013 sa gabi ng parangal na handog ng Milo katulong ang Air21 bilang major sponsor sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ang dalawang batang atletang ito ay nama-yagpag sa Palarong Pambansa sa Dumaguete City kung saan nanalo sila ng tig-pitong gold medals. Si Castrillo ay nakasira ng apat na meet records para sa koponan ng National Capital Region habang si Barreto ay nagrehistro ng tatlong bagong Palaro records.
“The Milo Junior Athlete of the Year is in recognition of his/her ability to inspire excellence among the youth,†sabi ni Milo sports executive Andrew Neri. “The award is presented to the top young athlete, male or female, who has consistently displayed exceptional athleticism in sports and demonstrated the values of leadership, discipline, perseverance, and integrity in life.â€
Ang nanalo sa kauna-unahang Milo Marathon na si Numeriano Titong ay bibigyan din ng special recognition ng pinakamatandang media organization sa event na suportado rin ng Smart Sports, Philippine Sports Commission, ICTSI-Philippine Golf Tour, Philippine Amusement and Gaming Corp., Philippine Basketball Association, Philippine Charity Sweepstakes Office, Senator Chiz Escudero, SM Prime Holdings, Rain or Shine, Globalport at Accel at 3XVI.
Ang golf caddy sa Veterans Golf Club na si Titong ang nanalo sa kauna-unahang pagtatanghal ng Milo Marathon noong 1974 at bibigyan siya ng parangal alinsabay sa pagdiriwang ng Milo ng kanilang ika-50th anniversary sa Pilipinas.
Ang sikat na broadcaster at sports columnist na si Quinito Henson, kasama si Patricia Bermudez-Hizon ang host ng event na magsisimula sa alas-7:30 ng gabi.
Ang Gilas Pilipinas ang mangunguna sa mahabang listahan ng awardees na 123 sa kabuuan na pararangalan sa formal affair na maririnig ng live sa DZSR-Sports Radio 918.
Ang National men’s basketball team ang tatanggap ng 2013 PSA Athlete of the Year award para sa kanilang nakaka-inspire na runner up fi-nish sa FIBA-Asia Men’s Championships na tumapos sa apat na dekadang pagkawala ng Pinas sa FIBA-World Cup.
Ang lahat ng mga dati nang pinarangalan ng Athlete of the Year award ay iniimbitahan ding dumalo sa event.
- Latest