^

PM Sports

Low Profile agaw eksena

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umani ng atensyon ang kabayong Low Profile nang pagharian ang 2014 Philracom 3YO Local Colts na siyang tampok na karera noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Napangatawanan ng kabayong sakay ni Mark Alvarez ang pagiging paborito sa limang naglaban nang iwanan ang mga katunggali sa 1,500m distansyang karera.

Kinuha ng Low Profile na may la-hing Tribal Rule at Lacquaria, ang pinag-labanang distansya sa bilis na 1:34.4 sa kuwartos na 17’, 24, 25’, 27’, upang magkaroon ng magandang pagsalubong ang kabayo sa taong ito.

Ito ang ikalawang panalo sa dalawang takbo ng kabayo at ang unang tagumpay ay naiposte noong Oktubre 26 sa PCSO race na kung saan ang tinalo ng Low Profile ay ang Kid Molave.

Malayong pumangalawa ang kabayong King Bull ni Jonathan Hernandez bago tumawid ang Castle Cat ni CV Garganta, Fairy Star ni Pat Dilema at Surplus King ni JB Guce.

Halagang P112,500.00 ang napunta sa pumangalawa, P62,500.00 ang pumangatlo at P25,000.00 ang sa pumang-apat.

Bago ito ay naunang nagpasikat ang dehadong Bahay Toro sa 3YO Local Fillies na kung saan mas mabagal ang naitalang tiyempo ng nanalong kabayo kumpara sa Low Profile na 1:37.2 (18, 24, 27, 28’).

Ang dalawang karerang ito na itinaguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay ginawa para magsilbing tune-up ng mga edad tatlong taong kabayo sa premyadong karera na Triple Crown Championships.

Nagpamahagi ang win ng Low Profile ng P6.00 habang ang liyamadong kumbinasyon na 5-4 ay mayroong P14.00 dibidendo sa forecast.

Ang lumabas bilang pinakaliyamadong nanalong kabayo sa huling araw ng pista sa nagdaang linggo ay ang Karapatan ni Antonio Alcasid Jr.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng kabayo at una kay Alcasid sa taon dahil si GA Rivera ang dumiskarte nang tumakbo ang Karapatan noong Enero 7 sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Pumangalawa sa datingan ang Blue Magic na hawak ni JL Paano para sa ikalawang dikit na segunda puwestong pagtatapos sa taon.

Balik-taya na P5.00 ang dibidendo sa win habang P208.00 ang ibinigay sa 6-1 forecast.

Ang karera na pinagpistahan ng mga dehadista ay nangyari sa race 13  dahil sa laki ng ibinigay sa forecast.

Nasegundo ang di inaasahang Prize Dancer sa Aithusa sa 3YO Special Handicap Race sa 1,400m distansya upang ang 11-12 forecast ay magpamahagi ng P6,236.50 bawat limang pisong taya.

Ang win ay naghatid ng P20.50 at tinapos ng Aithusa ang kawalan ng panalo sa naunang dalawang takbo sa pagdiskarte ni Reynaldo Niu Jr.

 

AITHUSA

ANTONIO ALCASID JR.

BAHAY TORO

BLUE MAGIC

CASTLE CAT

FAIRY STAR

JONATHAN HERNANDEZ

KARAPATAN

LOW PROFILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with