^

PM Sports

Nakakaawa, nakakahabag

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Lungkot, awa at habag ang aking naramdaman nang mabasa ko ang atake ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco sa aniya’y mga ‘kritiko’ sa media ng Philippine delegation sa nakaraang SEA Games sa Myanmar.

Bayaran at sadyang tanga na di alam ang sports ang tawag ni Cojuangco sa mga ito.

Ramdam kong labis ang  kagustuhang ng POC President na makakuha ng magandang resulta ang PHL Team  sa Myanmar, ngunit wala itong pag-asang mangyari at hindi nga nangyari.

Nabaling ang kanyang ngitngit sa aniya’y mga kritiko na nag-report lamang nang nakakalungkot na balitang pinulot sa kangkungan ang Pilipinas sa Myanmar SEAG – ang pinakamababang level na international multi-sports competition na nilalahukan ng bansa.

 Mapait na katotohanan na nasadlak tayo napang-pitong  sa medal tally – ang pinakamababang pwesto na inabot natin sa history ng SEA Games.

Sinabi niya sa mga atletang Filipino na huwag makinig sa kritisismo ng mga “bayaran at tatanga-tanga.” Ngunit kritisismo nga ba ang mag-ulat ng katotohanang pangyayari?

 Nakakalungkot na tatango lang naman lahat ng nakapaligid kay Ginoong Cojuangco. Nakakalungkot na mukhang ito na ang postura ng POC chief hanggang siya’y nakaluklok sa kanyang puwesto.

Nakakalungkot ng puro excuses lamang ang ating maririnig sa tuwing uuwi tayong luhaan galing sa kung saang international competitions.

***

Eto na ang homestretch ng PBA Philippine Cup elimination round at kapana-panabik ang pagtatapos ng labanan para sa Top Two, Top Six at sa kukumpleto ng quarterfinals roster.

 Contenders ang Barangay Ginebra (9-2), Petron (8-3), Rain or Shine (8-3) at Talk n Text (7-4) para sa Top Two na susungkit ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Kumakarera naman para sa Top Six ang Barako Bull (5-7), Globalport (4-7), Alaska (4-7), Meralco (4-7) at San Mig Coffee (4-7). Maglalaban sa best-of-three series ang tatapos na pangatlo hanggang pang-anim.

Tangan ang kartadang 3-9, ang Air21 ang koponang nakikipaglaban na kay kamatayan. Nadagdagan kahit papaano ang kanilang oxygen tank ng gulatin nila ang Talk ‘N Text, 102-100, noong Miyerkules.

 

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

COJUANGCO

GINOONG COJUANGCO

MYANMAR

N TEXT

NAKAKALUNGKOT

TOP SIX

TOP TWO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with