^

PM Sports

Kailangang pumatok ang susunod na laban ni Pacquiao -Arum

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa mahinang hatak sa mga boxing fans sa kanyang paggulpi kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kanilang non-title, welterweight fight noong Nobyembre 24, gusto ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ang susunod na laban ni Manny Pacquiao ay papatok sa takilya.

Ang ilan dito ay sina World Boxing Organization (WBO) welterweight king Timothy Bradley, Jr., Juan Manuel Marquez at WBO light welterweight titlist Ruslan Provodnikov.

“We’re talking to the pay per view people,” wika ni Arum sa panayam ng HustleBoss.com. “Whatever makes the most sense.”

Sa kanyang unanimous decision victory kontra kay Rios sa Macau, China, humakot lamang ito ng $30 milyon mula sa 475,000 pay-per-view buys.

“I don’t make appeals. Whatever we decide, we’ll make an intelligent decision. And that’s who we’ll fight,” sabi ni Arum.

Kumpiyansa ang 82-anyos na promoter na makakapagdesisyon sila ni Pacquiao para sa susunod na laban ng Filipino world eight-division champion sa susunod na linggo bago ang Araw ng Pasko.

“We’re going to decide before Christmas,” ani Arum sa panayam ng HustleBoss.com. “We’ll know who he’s going to fight.”

Ang panalo kay Rios ang unang laban ni Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) matapos matalo kina Bradley (31-0-0, 12 KOs) at Marquez (55-7-1, 40 KOs) noong Hunyo 9 at Disyembre 8, 2012, ayon sa pagkakasunod.

Si Provodnikov (23-2-0, 16 KOs) naman ang naging sparmate ni Pacquiao bago labanan si Bradley.

Hindi pa rin nawawala sa listahan ni Arum si WBC welterweight ruler Floyd Mayweather, Jr. (45-0-0, 26 KOs).

BAM BAM

BOB ARUM

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

RUSLAN PROVODNIKOV

SI PROVODNIKOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with