Petron dumiretso sa 6th
MANILA, Philippines - Mula umpisa hanggang sa huli ay naglaban para sa puntos at rebound sina 6-foot-10 Cebuano giant June Mar Fajardo ng Petron Blaze at 6’9 Fil-Tongan Asi Taulava ng Air21.
Ngunit sa pinakamahalagang bahagi ng laro, ang Fil-Am point guard na si Alex Cabagnot ang nagbida.
Isinalpak ni Cabagnot ang isang palobong tira sa nalalabing 3.5 segundo para akayin ang Boosters sa 90-88 panalo kontra sa Express at dumiretso sa kanilang ikaanim na sunod na ratsada sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Cabagnot, hindi nakalaro sa unang limang laban ng Petron dahil sa foot injury, na may 10 points.
“It’s gonna be good for Alex’s confidence,†sabi ni coach Gee Abanilla. “Games like this will boost his confidence. It’s gonna be good for us as a team. I am just happy we made it.â€
Itinabla ni Nino ‘KG’ Canaleta ang Express sa 88-88 mula sa kanyang ikalawang sunod na three-point shot sa huling 20.2 segundo.
Sa huling play na ginawa ni Abanilla, nagbigay si Fajardo ng screen kay Cabagnot para maiwan ng Fil-Am guard sa depensa ni Bonbon Custodio para sa kanyang game-winning shot sa natitirang 3.5 segundo.
Tumapos si Chris Lutz na may 25 points, kasama dito ang 9-of-11 shooting sa free throw line, bukod pa ang 4 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa Boosters.
Nagdagdag naman si 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng 14 markers kasunod ang 13 ni Fajardo, 12 ni Marcio Lassiter at 10 ng nagbabalik na si Fil-Am guard Chris Ross.
Pinamunuan ni Mac Cardona ang Air21 sa kanyang 24 points, habang nag-ambag ng 16 si Taulava, 11 si Canaleta at tig-10 sina Vic Manuel at rookie Eric Camson.
- Latest




















