^

PM Sports

Galeries Tower nakaisa sa Akari

Russell Cadayona - Pang-masa
Galeries Tower nakaisa sa Akari
Pinaluan ni Jean Asis ng Galeries Tower si Ced Domingo ng Akari.
PVL photo

MANILA, Philippines — Nakatikim na rin ng panalo ang Galeries Tower matapos ang apat na sunod na kamalasan.

Ginulat ng Highrisers ang Akari Chargers, 25-22, 26-24, 23-25, 15-25, 15-10, para sumampa sa win column ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Naglista si Erika Deloria ng team-high 20 points mula sa 18 attacks at dalawang service aces bukod sa 28 excellent receptions para banderahan ang Galeries Tower na diniskaril ang hangad na ikatlong sunod na ratsada ng Akari para sa 2-3 baraha nito.

Bagama’t nakatabla ang Chargers sa fourt set ay hindi nawalan ng loob ang Highrisers para kunin ang 7-3 abante sa fifth frame.

“Motivation pa rin na nakuha namin two sets, na walang aayaw, na ilaban lang namin hanggang dulo,” ani Galeries Tower coach Aying Esteban.

“So nag-react naman sila dun sa bandang dulo, pero kung mas maaga sana namin nakuha, mas maganda sana ‘yung resulta. Pero same pa rin, win is a win,” dagdag nito.

Tumipa si top overall pick Lams Lamina ng 21 excellent sets.

Pinamunuan ni Eli Soyud ang Akari sa kanyang 24 points at nagtala si Ivy Lacsina ng 13 points at 12 excellent digs, habang may 12 at 10 markers sina Fifi Sharma at Faith Nisperos, ayon sa pagkakasunod.

Pupuntiryahin ng Highrisers ang kanilang back-to-back wins sa pagsagupa sa ZUS Coffee Thunderbelles sa Nobyembre 10 sa Smart Araneta Coliseum.

Pilit namang babangon sa kabiguan ang Chargers sa pakikipagtuos sa Choco Mucho Flying Titans sa Nobyembre 7 sa Philsports Arena sa Pasig City.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with