^

PM Sports

Chiefs balik sa porma

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik sa porma ang Arellano University matapos nilang kaldagin ang San Sebastian College - Recoletos, 69-61 sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa FilOil Arena sa San Juan kahapon.

Maliban sa pagtuldok sa kanilang tatlong sunud-na pagkatalo, napatibay ng Chiefs ang pagkapit sa ikalawang puwesto sa Group B na may 6-6 record.

Si T-Mc Ongotan ang naging bida sa panalo ng Arellano.

“Mahirap kasi marami kaming struggles, lalu na galing kami sa three straight losses. Kahit nagre-recover ako, sobrang hirap sa sarili ko na wala akong magawa sa team,” ani Ongotan.

Ayon pa kay Ongotan, sinunod lang nila ang bilin ng kanilang coach kaya naman naitakas nila ang importanteng panalo.

“Sinunod lang din namin ‘yong sinabi ni coach (Chico Manabat) to commit, defend and share the ball. Kaya namin nakuha ‘tong panalo na ‘to kasi sinunod lang namin.” ani Ongotan.

Tumikada si Ongotan ng 22 points, limang rebounds, apat na blocks at dalawang steals para sa Chiefs na ibinaon ng todo ang Stags sa ilalim ng team standings.

Kumana ng 19 points si Kent Bacani habang nag-ambag si Nurben Muktimar ng 16 markers para sa Stags na wala pa rin panalo sa 12 na laro.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with