^

PM Sports

PHL cagers makikilatisan laban sa Myanmar

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gagamitin ngayon ng men’s basketball team ang laro sa Myanmar para makilatis kung gumaganda na ba ang takbo ng koponan na makakatulong para sa hinahabol na titulo sa 27th SEA Games basketball na ginagawa sa Zayar Thiri Indoor Stadium, Nay Pyi Taw, Myanmar.

Pinataob ng koponang hawak ni coach Jong Uichico ang Singapore at Cambodia sa unang dalawang laro pero hindi pa siya kontento sa ipinakikita ng koponan.

Tinuran niya ang kawalan pa ng consistency na marahil ay dulot ng pagkakaroon ng sobrang kumpiyansa ng mga manlalaro na madali nilang tatalunin ang mga katunggali gamit ang kanilang individual talents.

“We understand that our players come from different teams, each with a different mind-set and hardly have had time playing together. But we gave them a system to follow. Kapag nasunod iyon, our chances will be better,” wika ni Uichico.

Pahinga ang aksyon kahapon dahil sa opening ceremony at sa ganap na ika-4 ng hapon (5:50 ng hapon sa Pilipinas) ay babalik ng court ang Nationals para banggain ang host team.

Inaasahang hindi problema sa Pilipinas ang Myanmar pero nais na makita ni Uichico ang mas magandang laro bilang isang koponan dahil haharapin na nila ang mabibigat na koponan sa susunod na tatlong araw.

Ang Thailand na katunggali ng Nationals bukas bago isunod ang Indonesia sa Sabado at wakasan ang kampanya laban sa Malaysia sa Linggo.

Ang mangungunang koponan sa pitong kalahok matapos ang single-round robin ang siyang kikilalaning kampeon ng torneo.

Sa men’s division na lamang palaban ang Pilipinas sa basketball matapos lumasap ng pagkatalo ang women’s team sa nagdedepensang kampeong Thailand, 36-75, noong Martes.

ANG THAILAND

GAGAMITIN

INAASAHANG

JONG UICHICO

KAPAG

MYANMAR

NAY PYI TAW

PILIPINAS

UICHICO

ZAYAR THIRI INDOOR STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with