Charity game ng San Beda at La Salle nauwi sa draw
MANILA, Philippines - Nauwi sa tabla ang laÂro ng NCAA champions na San Beda Red Lions at ng UAAP titlist na La Salle Green Archers nang magtapos sa 74-74 ang ‘Champions For A Cause’ chaÂrity game kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
Nagsalpak si Nigerian import Ola Adeogun ng isang putback ngunit naÂbiÂgong kumpletuhin ang kanÂyang three-point play para sa Red Lions.
Bagamat bumalik ang poÂsesyon sa Green Archers ay nabigo naman siÂna Jeron Teng at Norbert Torres na ipasok ang kaÂnilang mga potensyal na game-winning shots.
Ang naturang chariÂty game ay humakot ng P1.8 milyon na ibibigay sa relief fund para sa mga naÂsalanta ng bagyong ‘YoÂlanda’ sa Visayas region.
Kasama rito ang P740,000 mula sa P500 pledge ng bawat maiiskor ng San BeÂda at La Salle.
Umiskor si Almond VoÂsotros ng game-high na 21 points para sa Green Archers na nagposte ng 44-34 abante.
Tumapos si Adeogun na may 14 points kasunod ang 11 ni Baser Amer paÂra sa Red Lions.
San Beda 74 – Adeogun 14, Amer 11, Sara 9, DeÂla Rosa 8, A. Semerad 7, PasÂcual 6, Abarcar 6, Koga 5, D. Semerad 2, Mendoza 2, DeÂla Cruz 2, Ludovice 0, VilÂlaruz 0, Bonsubre 0.
De La Salle 74 – VosoÂtros 21, N. Torres 9, Teng 7, ReÂyes 7, Perkins 6, Revilla 6, Montalbo 4, T. Torres 4, TamÂpus 4, Bolick 3, Salem 3, Dela Paz 0.
Quartescores: 20-20; 34-44; 53-59; 74-74.
- Latest