PHL basketball teams sa SEAG bisita sa PSA
MANILA, Philippines - Ang mga miyembro ng Philippine basketball team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Myanmar ang ma-ngunguna sa mga bisita sa huling session ng PSA Forum para sa 2013 nga-yon sa Shakey’s Malate.
Si women’s team coach Haydee Ong, kasama ang ilang players ng koponan ay sasamahan ni assistant executive director Bernie Atienza sa sesyon na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakey’s at ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang men’s team ni coach Jong Uichico ay inimbitahan din sa forum na magsisimula sa ganap na alas-10:30 ng umaga.
Inimbitahan din bilang special guest sa weekly public sports program si boxing prospect Jun Doliguez na sasagupa kay Maxsaisai Sithsaithong sa Disyembre 14.
Lumaban si Doliguez sa undercard ng Timothy Bradley-Juan Manuel Marquez World Boxing Organization (WBO) welterweight match kamakailan sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Siya ay sasamahan nina manager Elmer Anu-ran at boxing analyst at trainer Mike Ochosa.
Ang kukumpleto sa mga bisita ay ang organi-zers ng AFP Guerilla Run at ng Pasay Run for victims of typhoon Yolanda na pinamumunuan nina Jonathan Malaya, PIO ng Pasay City at Christine Majadillas, ang brand manager for International Brands na Toby’s Sports at Urban Athletics.
- Latest