SeIgle pipirma sa TNT ng 1-year contract
MANILA, Philippines - Matapos pakawalan ng Barako Bull ay nakahanap na si Fil-American forward Danny Seigle ng bago niyang koponan.
Pipirma ang 14-year veteran na si Seigle ng one-year contract sa Talk ‘N Text na siyang magi-ging pang-apat na PBA team niya matapos ang San Miguel (1999-2011), Air21 (2011) at Barako Bull (2011-2013).
Sa mga nagtatanong sa kanya kung saan siya maglalaro, ang isinagot lamang niya ay ‘TNT’ sa kanyang Twitter account na @dannyseigle42.
Ang ‘TNT’ ay ang inis-yal ng Talk ‘N Text.
Pinakawalan ng Energy ang 1999 PBA Rookie of the Year na si Seigle dahil tapos na ang kanyang kontrata bago magsimula ang 39th season ng PBA.
Ang two-time Best Player of the Conference awardee at five-time Finals Most Valuable Player ay nagtala ng mga ave-rages na 11.7 points, 4.6 rebounds at 1.3 assists sa 31 laro para sa Barako Bull noong nakaraang season.
Sa pagkakabilang ni Seigle sa Talk ‘N Text, mapipilitan si head coach Norman Black na magdesisyon kung sino sa hanay nina Fil-Ams Jimmy Alapag, Kelly Williams, Sean Anthony, Harvey Carey at Ali Peek ang kanyang ilalagay sa injury list.
Sa patakaran ng liga, ang isang koponan ay maaari lamang kumuha ng limang Fil-Ams na active players.
Ang forward na si Rob Reyes ay nasa injured list, habang ikinukunsidera naman si guard Ryan Reyes bilang isang local player.
- Latest