^

PM Sports

Parker iginiya ang Spurs sa panalo kontra Grizzlies

Pang-masa

MEMPHIS, Tennessee — Umiskor si Tony Parker ng 20 points, habang nagdagdag ng 17 si Tiago Splitter para igiya ang San Antonio Spurs sa 102-86 panalo laban sa Memphis Grizzlies at angkinin ang kanilang pang-siyam na sunod na panalo.

Naglista ang Spurs (11-1) ng 42-of-79 fieldgoal shooting para talunin ang Grizzlies.

Nag-ambag si  Manu Ginobili ng 15 points para sa San Antonio na nakakuha ng 45 points sa kanilang bench.

Tinapos ng Spurs ang laro mula sa isang 23-8 ratsada matapos makalapit ang Grizzlies (7-6) sa 78-79 sa gitna ng fourth quarter.

Ang starting center ng Memphis na si Marc Gasol ay nagkaroon ng sprained left knee sa second quarter at hindi na nakabalik sa laro.

Pinamunuan ni Mike Conley ang Grizzlies sa kanyang 28 points kasunod ang 16 ni Zach Randolph.

Sa Boston, tumipa si Paul George ng 27 points at pinangunahan ang pagbangon ng Indiana Pacers mu­la sa isang eight-point halftime deficit patungo sa ka­nilang 97-82 panalo laban sa Celtics.

Naiwanan sa halftime, 42-50, umiskor ang Indiana ng 25 points sa kabuuan ng third quarter para kunin ang 67-58 abante.

Naglista si Jordan Crawford ng season-high na 24 points para sa Boston, habang may 20 si Jeff Green.

Sa Philadelphia, nagposte si Evan Turner ng 27 points at humugot si Spencer Hawes ng 11 sa kanyang 25 points sa huling dalawang minuto sa regulation at overtime para igiya ang 76ers sa 115-107 pana­lo laban sa Milwaukee Bucks.

Sa Dallas, gumawa si Monta Ellis ng 26 points upang pamunuan ang Mavericks sa 103-93 paggiba sa Utah Jazz.

Nag-ambag sina Dirk Nowitzki at Samuel Dalembert ng tig-18 points para sa Dallas.

vuukle comment

DIRK NOWITZKI

EVAN TURNER

INDIANA PACERS

JEFF GREEN

JORDAN CRAWFORD

MANU GINOBILI

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with