^

PM Sports

Maraming pinasaya ang Joy Joy Joy

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghatid ng saya ang kabayong Joy Joy Joy nang manalo ito bilang dehado noong Miyerkules ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Apat na kabayo ang sabay-sabay na dumarating sa meta pero may tikas pa ang kabayong sakay ni JPA Guce para manalo laban sa rume-remate ring Ma’am Mika na hawak ni JA Guce.

Sa class division 1 na pinaglabanan sa 1,200-metro distansya ang karera at nasayang ang maagang paglayo ng Hello Hello ni CM Pilapil dahil naglakad na ito sa rekta at tumapos lamang sa pangatlong puwesto.

Naghatid ang win ng P44.00 habang ang 2-3 forecast ay nagpasok pa ng P222.00 dibidendo.

Samantala, binawian naman ng Kimagure ang Santorini nang makatapat uli sa special handicap race.

Tulad sa huling labanan, agad na nakauna ang Kimagure pero nakumpleto niya ang ma-lakas na pag-alis para  manalo ng limang dipa.

Si LT Cuadra ang sakay ng Kimagure na tumakbo ng mas magaan ng isang kilo sa Santorini ni Mark Alvarez na pinatawan ng 58 kilos handicap weight.

May P8.50 ang ibinigay sa win habang ang kumbinasyon ng mga kabayong paborito sa ta­gi­san sa 1,200-metro ay naghatid ng P9.00 sa 5-4 forecast.

Si Jonathan Hernan­dez ang sakay ng John’s Memory  sa special class di­vision at inila­gay ng tam­balan sa panga­lawang puwesto ang Ma­­dam Theresa sa pagdiskarte ni Roderick Hipolito.

 

GUCE

HELLO HELLO

JOY JOY JOY

KIMAGURE

MARK ALVAREZ

METRO TURF CLUB

NAGHATID

RODERICK HIPOLITO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with