^

PM Sports

Santorini umalagwa sa Philracom/MetroTurf race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umalagwa ang Santorini sa ikalawang sunod na panalo sa buwan ng Nobyembre nang pa-ngunahan ang mga kaba-yong sumali sa Philracom/MetroTurf trophy race noong Huwebes ng gabi sa bagong race track sa Malvar, Batangas.

Si Mark Alvarez ang sakay ng kabayong hinarap ang limang iba pang katunggali sa 1,200-metro karera at buo na dumating ang tambalan para maibulsa rin ang P6,000,00 cash at P6,000.00 Fastbet load na ibinigay ng Philracom at MetroTurf.

Kinailangang huma-bol mula sa tatlong dipang layo ang Santorini sa naunang lumayo na Kimagure at sa huling 100-metro lamang nakasabay ito.

Hindi na binitiwan pa ni Alvarez ang momentum nang paharurutin pa ang dalang kabayo para manalo ng isang dipa sa meta.

Naungusan naman ng Lap Of Luxury na sakay ni Jonathan Hernandez ang Kimagure ng isang ulo para makuha ang pangalawang puwesto at maibulsa rin ang P2,500.00 cash at P2,500.00 Fastbet load habang ang Kimagure ay nakontento sa P1,500.00 cash at ganitong halaga ng load.

Dehado ang Santorini para magkaroon ng P52.00 dibidendo sa win habang ang 4-2 forecast ay may P80.50 dibidendo.

Ang iba pang kaba-yong nanalo sa Trophy race na pinaglabanan ay ang Jaiho sa race 3, Touch Of Class sa race four at Something New sa race 6.

Tinalo ng Jaiho na diniskartehan ni apprentice jockey AB Serios, ang Ian’s Bet ni Hernandez, namayagpag ang Touch Of Class na hawak ni JL Paano,  sa Unica Champ ni SG Vacal at nanalo ang Something New na hawak ni LD Balboa sa (5) Barbie ni EP Nahilat.

Ang  win ng Jaiho ay nagpasok ng P10.50, ang Touch Of Class ay may P21.00 habang P16.50 ang ibinigay sa Something New.

Magbabalik ang karera sa pistang ito sa Linggo kung saan tampok na karera ay ang 2013 Ambassador Eduardo Cojuangco Jr. Cup  na pag-lalabanan sa 2,000-metro at sinahugan ng P2 mil-yong premyo.

vuukle comment

AMBASSADOR EDUARDO COJUANGCO JR. CUP

FASTBET

JAIHO

JONATHAN HERNANDEZ

KIMAGURE

LAP OF LUXURY

PHILRACOM

SANTORINI

SOMETHING NEW

TOUCH OF CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with